Mommy Dionisia nagbabalak nang pakasalan ang ka-live in na dyowa | Bandera

Mommy Dionisia nagbabalak nang pakasalan ang ka-live in na dyowa

Ervin Santiago |August 02,2014
facebook
share this

Mommy Dionisia nagbabalak nang pakasalan ang ka-live in na dyowa

Ervin Santiago - August 02, 2014 - 03:00 AM


NAGBABALAK na raw magpakasal si Mommy Dionisia Pacquiao sa kanyang 40-year old na boyfriend. Ito ang pambubuking ng mismong anak niyang si Rep. Manny Pacquiao.

Ayon pa kay Pacman sa panayam ng programang Tapatan Ni Tunying ng ABS-CBN noong Huwebes, sa pagkakaalam niya ay nagli-live in na ang kanyang ina at dyowa nitong Cebuano.

“Kasama niya, eh. Kasama niya palagi,” ang sabi ng Pambansang Kamao. Dugtong nito, “Mommy ko, sinabihan ko siya, sabi ko, ‘Ikaw na bahala. Sundin mo ‘yung gusto ng katawan mo, or sundin mo ang gusto ng Panginoon?'”

Pero kung siya raw ang tatanungin, ayaw na niyang magpakasal muli si Mommy D, “Si Mama at saka si Papa, hindi sila kasal. Si Mama at saka ‘yung unang asawa, kasal sila,” sey ni Manny.

“Sabi ko, ‘Kung kami tanungin mo, ayaw namin ng mga anak mo.’ Hindi ako nagkulang ng paalala,” hirit pa ni Pacman.
Pero sa isang interview, idinenay ni Mommy D na meron na siyang boyfriend, pero inaming natural lang na may mga manligaw sa kanya.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending