HOROSCOPE, AUGUST 01, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, AUGUST 01, 2014

Madam Sophia |August 01,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, AUGUST 01, 2014

Madam Sophia - August 01, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag pairalin ang pagiging galante. Okey lang mag-blow-out wag lang sobra. Alalahanin mahirap kitain ang pera ngayon. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong pag-galantehan – ang iyong kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 19, 28, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava.” Blue at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Now na ang tamang panahon upang paramihin ang salapi. Sa pag-ibig ngayon na ang sandali upang ibigay sa kasuyo ang pinakamasarap na romansa. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “It’s Now or Never!” Silver at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Upang yumaman panatiliin ang ugaling  materyoso upang mas mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, praktikal na desisyon ang dapat upang magkaroon ng isang maunlad at maligayang pamilya. Mapalad ang 9, 18, 22, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Ituloy ang balak na paglalakbay. Sa  ibayong dagat mas magiging masagana ang buhay ng pamilya. Sa pag-ibig, sa pangingibang bansa matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 18, 27, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim.” Pink at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Lagi makisama sa mga Capricorn! Sila ang magpapayaman sayo. Sa pag-ibig, sa isang Scorpio ka naman makakasumpong ng isang masarap at maligayang pamilya. Mapalad ang 4, 16, 22, 35, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Mayabeeja-Om.” Purple at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Unang araw ngayon ng buwan. Magsuot ng kulay na dilaw, upang suwertehin sa larangan ng pag-ibig at aspetong pang-materyal. Mapalad ang 1, 19, 27, 34, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om” Bukod sa yellow ang red ay buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Upang yumaman umpisahan mo ng  gawing produkto ang iyong karunungan at ibenta, kaysa iba ang makinabang. Sa pag-ibig sure win ang ligayan sa kasuyong Libra. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Silver at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Mag-relaks upang wag ma-stress! Ang payapang kaisipan ang magbubunga ng wagas na ligaya. Subukang mag-meditate sa umaga bago makihalubilo sa magulong lipunan.  Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Gosvani-Jiva-Om.”  Lilac at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Tularan ang alakdan, lakad ng lakad, – ito ang susi ng tagumpay! Kung malapit lang  pupuntahan, maglakad na lang hanggang sa makatisod ng suwerte at magandang kapalaran. Sa paglakad, nakatipid na nakapag-ehersisyo pa.  Mapalad ang 6, 18, 23, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devah-Om.” Red at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—May mag-aabot ng malaking halaga galing sa ibang bansa. Wag tanggihan, minsan lang siyang dumating. Sa pag-ibig, tuloy ang pakikipag-relasyon sa isang Aries. Mapalad ang 5, 6, 14, 23, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Pink at silver ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Dagdag na sipag pa ang kailangan! Malapit ka ng yumaman. Sa pag-ibig, mawawala ang tampo ng kasuyo dahil sa malaking halaga ng salapi na iyong ibibigay sa kanya. Mapalad ang 8, 13, 22, 31, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Gorocha-Chandaya-Om.” Green at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, kahit hindi masyadong maligaya, mapupuno naman ng pagpapalang pang-materyal ang buhay. Pagsapit ng edad mong 55 pataas mayamg-mayaman ka na. Mapalad ang 1, 10, 22, 28, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Dosya-Om.” Yellow at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Tandaang sa taong buo ang loob ang yaman ay lubos. Sa pag-ibig, unahin ang aspetong pangmateryal kaysa sa emosyonal kapag mayaman ka na kusa ka rin namang magiging liligaya. Mapalad ang 7, 16, 29, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om” Green at gold ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending