Cristine bumuka-bukaka sa mukha ni Derek; John Estrada bagay na sadista | Bandera

Cristine bumuka-bukaka sa mukha ni Derek; John Estrada bagay na sadista

Ervin Santiago |August 01,2014
facebook
share this

Cristine bumuka-bukaka sa mukha ni Derek; John Estrada bagay na sadista

Ervin Santiago - August 01, 2014 - 03:00 AM

CRISTINE REYES AT DEREK RAMSAY

TULO-LAWAY ang mga kalalakihan pati na rin ang mga tibo sa kaseksihan ni Cristine Reyes sa pelikulang “Trophy Wife” ng Viva Films at MVP Entertainment na nag-showing na sa mga sinehan noong Miyerkules nationwide.

Napanood namin ang movie na idinirek ni Andoy Ranay na pinagbibidahan nga ni Cristine with Heart Evangelista, John Estrada and Derek Ramsay sa ginanap na premiere night sa SM Megamall cinema 9 – at in fairness, tama ang sinabi ni Heart na pelikula ito ni Cristine.

Walang duda, aktres na talaga ang sisteraka ni Ara Mina, at diretsahan naming sasabihin na mas magaling siya kesa sa kanyang ate. Kering-keri ni Cristine ang bida-kontrabida role – pwede siyang bait-baitan, at pwede ring maging demonya, tulad ng ginawa niya sa “Trophy Wife”.

Magagaling lahat ng artista sa pelikula, pero ang nag-shine nang bonggang-bongga ay si Cristine, pati na rin si John Estrada na katatakutan mo talaga sa ending – bilang isang sadista. Gustung-gusto namin yung eksena nila ni Cristine kung saan sinabunutan at kinaladkad niya ang aktres dahil sa tindi ng kanyang galit. Pati na rin ‘yung pinilit niyang ipasok ang anmo niya…panoorin n’yo na lang. Ha-hahaha!

Hindi na kami masyadong magkukuwento tungkol sa tema ng pelikula, basta ang masasabi lang namin, ibang-iba ito sa mga pelikulang ginawa nina Cristine at Derek tungkol sa kabitan. Maraming twist ang pelikula na ikaka-shock ng manonood.
Pero ang talagang ikina-shock namin dito ay ang role ni Cristine. Hindi man nag-frontal nudity ang Kapamilya actress, pero feeling namin, mas pagnanasahan siya ng mga lalaki at tibo kapag napanood nila ang “Trophy Wife”. Agaw-eksena lagi ang malulusog na boobs ni Cristine at ang super flawless niyang katawan.

Feeling nga namin, nag-effort nang husto si Heart sa pagpapaseksi sa movie pero hindi talaga siya umubra sa paghuhubad ni Cristine kaya ang ending sumuko na lang siya. Ha-hahaha!

At ito pa, merong isang eksena sa “Trophy Wife” na talagang pinalakpakan ng manonood during the premiere night – ito ‘yung pagbukaka ni Cristine sa harap ng mukha ni Derek! Ha-hahaha! Kahit nga kami ay natulala at talagang napasigaw sa eksenang ‘yun! Kaloka!

Showing na ngayon ang “Trophy Wife”, sigurado akong hindi kayo manghihinayang sa ibabayad n’yo sa sinehan at hindi rin masasayang ang oras n’yo sa panonood ng pelikulang ito ng Viva Films. Sabi nga ng ilang nakausap namin pagkatapos ng movie, “Nakakabitin si Cristine! Parang gusto ko siyang iuwi ngayong gabi! Ha-hahaha!”

Samantala, mukhang desidido na nga si Cristine na talikuran na ang pagpapaseksi sa kanyang mga proyekto. Paninindigan na raw niya ang pagbabagong-image dahil sa kanyang pagiging Christian.

Nang tanungin ang aktres kung kanino niya ipapasa ang korona bilang Ultimate Sexy Star, “For me kina Lovi Poe and Ellen Adarna, kasi hindi na nila kailangang mag-emote at magpakita ng skin to be hot!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending