Boyet, Joel Torre, Amy Austria papalitan na sina Jake, Coco at Kim sa Ikaw Lamang | Bandera

Boyet, Joel Torre, Amy Austria papalitan na sina Jake, Coco at Kim sa Ikaw Lamang

Reggee Bonoan |August 01,2014
facebook
share this

Boyet, Joel Torre, Amy Austria papalitan na sina Jake, Coco at Kim sa Ikaw Lamang

Reggee Bonoan - August 01, 2014 - 03:00 AM

COCO MARTIN AT KIM CHIU

COCO MARTIN AT KIM CHIU

MABILIS ang Dreamscape Entertainment dahil halos lahat na yata ng magagaling na artista noon at ngayon ay nakuha na nila.

Tulad na nga lang sa book two ng Ikaw Lamang kung saan patuloy na malalaban-laban ang mga premyadong aktor at aktres.

Kuwento ng kausap naming taga-Dos (na siya ring nagsabi sa amin na ire-remake very soon ang Pangako Sa ‘Yo) tungkol sa mga papasok na bagong characters sa ikalawang yugto ng Ikaw Lamang nina Coco Martin, Jake Cuenca at Kim Chiu, kaabang-abang daw ang mga idadagdag na karakter sa serye. “Si Franco (Jake) magiging si Boyet de Leon, si Samuel (Coco) magiging si Joel Torre, si Isabel (Kim) magiging si Amy Austria, si Lupe (Meryll Soriano) magiging si Rio Locsin, si Calixto (Lester Llansang) magiging si Noni Buencamino. Bukod sa mga nabanggit na pangalan, mapapanood din sa serye sina Mylene Dizon, Smokey Manaloto, Arlene Muhlach. At siyempre ang magiging ka-love triangle nina Kim at Coco sa kuwento na si KC Concepcion. Sa madaling salita, babu na sina Jake, Lester, Meryll, at Julia Montes na namatay na nga sa episode noong Lunes.

Tuluy-tuloy naman ang labanan nina Tirso Cruz III, John Estrada laban kay Ronaldo Valdez. Kaya naman patuloy na inaabangan ang Ikaw Lamang dahil buhay na buhay pa ang supporters ng bawa’t artista noong araw bukod pa sa magandang kuwento nito. May kahilingan lang ang ibang nakakausap naming manonood, “Sana bawasan naman ng kasamaan ang kuwento, nakaka-stress din kasing panoorin.” Anyway, nagbiro nga kami sa aming kausap na halos lahat ng magagaling na artista ay nasa Ikaw Lamang na, isama mo pa ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pawang nasa ilalim ng Dreamscape, kaya wala ng natira sa ibang unit ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending