Claudine ilalaban nang patayan ang 2 anak; Raymart di susuko | Bandera

Claudine ilalaban nang patayan ang 2 anak; Raymart di susuko

Julie Bonifacio |August 01,2014
facebook
share this

Claudine ilalaban nang patayan ang 2 anak; Raymart di susuko

Julie Bonifacio - August 01, 2014 - 03:00 AM

CLAUDINE, RAYMART AND KIDS

Nakasabay nga pala namin si Atty. Topacio sa radio show ni Kuya Jobert at doon nakita naming nang personal ulit ang aktres na si Claudine Barretto after a long time. Sumama si Claudine kay Atty. Topacio sa ABS-CBN pero hindi siya umupo sa loob ng radio booth nina Kuya Jobert at Papa Ahwel.

Kasama ni Claudine that night ang mga anak nila ni Raymart Santiago na sina Sabina at Santino. Malaki-laki na si Sabina at ilang taon na lang dalaga na rin siya. Ang guwapo-gwapo naman ni Santino. No wonder, kung ganito nga ka-cute ang anak ko, he’s really worth fighting for – talagang ipalalaban ni Claudine nang patayan ang mga bata.

Nilinaw naman ni Atty. Topacio na ayaw nilang patulan ang paglabas ng mga litrato ni Claudine na kasamang nakangiti si Raymart habang may mga benda sa katawan. Malakas daw ang laban ni Raymart kapag ginamit na ebidensya ang litratong ‘yun tungkol sa pananakit niya diumano kay Claudine.

Sabi naman ni Atty. Topacio, no comment daw sila, pero naniniwala sila na malakas pa rin ang kaso nila laban kay Raymart tungkol sa pagiging battered wife ni Claudine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending