Vice binantaan: Wag siyang papakita sa akin at baka mabugbog ko siya! | Bandera

Vice binantaan: Wag siyang papakita sa akin at baka mabugbog ko siya!

Jobert Sucaldito |August 01,2014
facebook
share this

Vice binantaan: Wag siyang papakita sa akin at baka mabugbog ko siya!

Jobert Sucaldito - August 01, 2014 - 03:00 AM

VICE GANDA

MARAMI ang nagalit kay Vice Ganda sa ipinost niyang mensahe sa Twitter about the recent SONA. Matalim kasi ang comment niya sa mga nag-rally laban sa administrasyon ni Noynoy Aquino. Inakusahan niya ang mga nagprotestang kababayan natin na mga bayaran.

Sinagot naman siya ni Rep. Teddy Casino via Twitter din, anito ang ilang mga politiko namang pumunta sa SONA ay bilyon-bilyon ang kinita sa DAP.

May word war sa dalawang personalities pero mas masakit ang bira ng taumbayan kay Vice Ganda. Nasaktan sila nang husto kaya matalim din silang nag-react.

“‘Nyeta siya! Galing din naman siya sa lusak, di ba? Siya ang nagsabi noon na mahirap lang sila sa Tondo. Pinakita pa nga noon sa ABS-CBN ang pinagdaanan niya nu’ng bata pa siya – ano iyon, press release lang? Sumikat lang at nalangisan ng mantika ang bibig, nagyabang na ang put*** iyan. Mula nang maging ka-close lang naman niya si Kris Aquino kaya siya nabigyan ng malalaking breaks sa Dos, ah. Mag-best friends kasi sila kaya sila ang naghahari sa istasyong iyan. Nag-feeling Cojuangco na rin ang hayop na iyan,” galit na galit na turan ng isang kapitbahay namin.

“Yabang niya. Kasi naman, ang bobobo ng mga kababayan natin, eh. Patronize nang patronize ng mga projects ng mayabang na mukhang kabayong baklang iyan. Sila rin ang dapat sisihin kung bakit lumaki ang sungay niyan.

“Mas malala pa siya sa kayabangan dati ni Willie Revillame. Mas gugustuhin ko pa si Willie kumpara sa tikbalang na iyan. At least si Willie namimigay ng pera sa mga senior citizens at jacket, di ba? Ha-hahaha! Pero ang baklang Vice na iyan, si Terrence Romeo lang ang binubuhay at iba pang mga lalaking artista na laging nasa bahay niya. Tumigil nga siya.

“Ang sakit niyang magsalita – na kaya pumunta lang ang mga raliyista dahil nasuhulan ng pambili ng bigas. Okey, wala kaming pambili ng bigas – hindi namin ikinakailang mahirap lang kami pero at least meron kaming tamang ipinaglalaban.

“Hindi kami sipsip sa pamahalaang sila-sila lang ang nakikinabang. Buwisit na baklang iyan,” sabi naman ng isang nakausap naming nagprotesta noong SONA.

Sa totoo lang, marami ang nagulat sa tinurang iyon ni Vice Ganda sa Twitter. Many find him very insensitive. Kumbaga, mahirap na nga raw sila pinamumukha pa raw ni Vice sa kanila.

“Huwag siyang papakita sa akin at baka mabugbog ko lang siya. Huwag niya akong paandaran ng kayabangan niya at hindi uubra kahit mabilis siyang tumakbo. Mag-ingat siya sa mga pananalita niya at baka mauwi lang sa wala ang lahat ng pinagpaguran niya,” banta ng isang galit na galit na mukhang kriminal na nasalubong namin.

Hirap naman nitong nasuungan ni Vice Ganda. Kasi naman – masyadong matayog magsalita kaya nakakatakot itong pinasok niya. Hindi na ito showbiz issue – isa itong kabuhayan issue na napaka-sensitive ng dating.

“For sure ay manghihingi na naman ng tawad sa TV iyan dahil alam niyang may paglalagyan siya in the next days. Akala niya biro-biro ang ganoong klaseng comment. Sige, subukan niyang pakita sa amin at hahambalusin namin ang mukha niya. Mag-ingat siya,” sabi pa ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naku, Vice – paano na iyan? Galit sa iyo ang sambayanan. Hindi lang ako natatakot sa magiging resulta ng mga projects na ginagawa mo ngayon – natatakot ako for you. Sa buhay mo! Concerned lang ako kafatid. Ingat-ingat din pag may time. Mahirap kalaban ang taumbayan – hindi mo kasi kilala kung sino sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending