HOROSCOPE, JULY 31, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, JULY 31, 2014

Madam Sophia |July 31,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, JULY 31, 2014

Madam Sophia - July 31, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Katapusan ngayon, pero para sayo ito ang simula. Sa pagbabagong diskarte sa aspetong pang-pinansiyal, kung uumpisahan mo nang mag-ipon ngayon matitiyak ang pag-unlad. Sa pag-ibig, bagong kasuyo na isinilang sa sign na Aries ang dapat. Mapalad ang 5, 8, 23, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Beeja-Om.” Yellow  at lilac ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) –   Wag mag alala ang lahat ng mga suliranin ay dagli ng lilipas. Sa pag-ibig mainit na romansa ang malalasap. Sa pinansyal, dagdag na kita ang makakamit. Mapalad ang 3, 12, 21, 33, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Pink at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) –     Wag masyadong magtiwala, may babala na maloloko ka na naman! Sa pinansyal at pag-ibig, isang Virgo ang makakatulong sayo upang lumigaya at umunlad. Mapalad ang 6, 9, 18, 22, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Nama-Om.”  Violet at blue ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21) – Panahon na upang iplano ang mga pangarap sa buhay sa tahimik at malayong lugar. Sa pag-balangkas ng pangarap, isama ang matagal mo ng balak na magkaroon ng dream house. Sa edad mong 41 kusa na yang matutupad.  Mapalad ang 5, 14, 23, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dhuvina-Minna-Om.” Beige at white ang buenas.

 Cancer – (June 22- July 22) – Simple lang ang sikreto ng pagyaman. Ipunin ng ipunin ang kinikitang pera, sa halip na lustayin sa walang kapararakang bagay. Para madali kang makaipon, ipatago sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sarva-Dushta-Om.” Green at magenta ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – BIgla ang dating ng suwerte! Sa araw na ito pera at masayang pag-ibig ang darating. Kapag hawak mo na ang tagumpay, laging magpasalamat kay Lord, upang hindi ka na hiwalayan ng magandang kapalaran. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Yellow at red ang buenas

Virgo – (August 23 – September 22) – May kanya-kanyang suwerte ang buhay! Sa pagpasok ng buwan ng Agosto,  darating na ang suwerte mo sa pag-ibig at sa salapi. Kapag naging masagana ang buhay magtipid upang hindi mawaldas ang pinaghirapan. Mapalad ang 2, 14, 20, 29, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yoti-Bhama-Om!” Gold at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Wag mangako kung hindi naman kayang tuparin! Sa pag-ibig at pinansyal, panatiliin ang pagpapakumbaba, upang mas madaling yumaman at lumigaya. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Bhakti-Yoga-Om.” Yellow at purple ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Umiwas sa mga taong ma-kuwento. May babala na muli ka na namang maloko. Sa pag-ibig, sundin ang mungkahi ng kasuyo upang maingatan ang kakaunti nyo na lang na savings. Mapalad ang 7, 16, 25, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Yama.” Beige at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Kaya mo namang paunlarin ang inyong buhay, bakit hindi mo pa simulan ngayon?  Mula ngayon, puro pera ang isaisip, makikita mo paglipas ng 6 years, mayamang-mayamang ka na. Mapalad ang 8, 18, 24, 33, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Harum-Harim-Aum.”  Blue at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Sa pamamagitan ng diplomasya lalong aangat at lalago ang kabuihayan. Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang mabait at uto-utong Cancer.  Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nirayana-Om.” Yellow at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Panahon na upang magdidikit sa mga taong maraming salapi, dadami rin ang iyong pera. Sa pag-ibig, wag kukuha ng kasuyo na may history ng broken relationship, magkakahiwlay din kayo. Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rhata-Om.” Silver at maroon ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) –  Kung magiging makasarili, hindi ka masyadong uunlad. Mag-bigay ng kaunting tulong sa mga charitable institution. Sa ganyang paraan makakaramdam ka ng kakaibang ligaya at mas madali kang yayaman.  Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at peach ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending