Sarah tinanghal na Most Beautiful Star ng YES | Bandera

Sarah tinanghal na Most Beautiful Star ng YES

Ervin Santiago |July 30,2014
facebook
share this

Sarah tinanghal na Most Beautiful Star ng YES

Ervin Santiago - July 30, 2014 - 03:00 AM


DAHIL sa kasikatang tinatamasa at dahil sa dami ng mga Filipino na sumusuporta sa kanya bilang aktres, singer at TV host, si Sarah Geronimo ang napili ng YES Magazine na maging cover ng kanilang 2014 100 Most Beautiful Star.

Kaliga na ng Pop Princess ng ABS-CBN sa nasabing titulo sina Julia Montes at Kathryn Bernardo (2013) at Anne Curtis (2012). Ang iba pang top celebrities na naging cover ng 100 Most Beautiful Stars nitong mga nagdaang taon sina John Lloyd Cruz, Kim Chiu, Marian Rivera, KC Concepcion at Judy Ann Santos.

Ayon kay Ms. JoAnn Maglipon, unanimous ang desisyon ng YES na si Sarah ang gawing cover ng 2014 100 Most Beautiful Star, hindi lang daw umaapaw ang pisikal na kagandahan ng Pop Princess, kundi maganda rin ang puso ng singer-actress, lalo na ang ipinapakita niyang pagmamahal sa kanyang family at sa kanyang mga kaibigan at fans.

Bukod pa nga iyan sa napakarami na niyang achievements sa industriya ng showbusiness, “She’s a superior lady!” sabi pa ni Ms. JoAnn. Nang tanungin si Sarah kung ano ang reaksiyon niya sa bagong titulo na ibinigay sa kanya, aniya, “Parang maiiyak ako.

Ha-hahaha! Hindi, actually, the first time na sinabi sa akin, nagulat ako, sabi ko, totoo ba yan, nahihiya naman ako!? Pero maraming salamat sa YES, dahil ina-acknowledge nila ang kabuuang personalidad ng isang tao, hindi lang sa pisikal, kundi sa lahat ng aspeto.”

Sey pa ni Sarah, masasabing maganda ang isang tao kung meron siyang peace sa puso niya, alam niya ang mga weakness at strength niya, pero dapat doon siya mag-focus sa lakas niya, ang importante nagagamit niya yun para mas ma-improve pa siya.

And of course ang pagmamahal kay Lord, kasi when you have faith everything follows.”

( Photo credit to sarah geronimo official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending