Mataas ang pride (2) | Bandera

Mataas ang pride (2)

Joseph Greenfield |July 30,2014
facebook
share this

Mataas ang pride (2)

Joseph Greenfield - July 30, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Teret ng Tagbina, Surigao del Sur  
Problema:
1.      Napakasakit dahil ang paghihiwalay na lang ang paraan para hindi mauwi sa sakitan ang aming pamumuhay ng boyfriend ko.  Nagmula lang naman ito sa maliit na tampuhan ukol sa maliit na bagay.  Hindi niya kayang lunukin ang kanyang pride.  Ang akala ko ay huhupa rin dahil idinaan ko ito sa pabiro.  Hindi ko napansin na seryoso na pala siya dahil hindi siya palaimik at tahimik lang.
2. Hanggang sa bigla siyang sumigaw, na labis kong ikinagulat.  Lumaki na ang problema.  Dinadalaw na ako ng labis na kalungkutan.  Magkakabalikan pa ba kami dahil mahigit limang buwan na siyang hindi tumatawag at hindi man lang nagte-text  sa akin? May 15, 1993 ang birthday ko at January 15, 1991 ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Teret ng Tagbina, Surigao del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing compatible kayo ng boyfriend mo na may zodiac sign na Capricorn dahil ang Capricorn at Taurus ay may iisang elementong tinataglay— lupa o earth.
Numerology:
Ang birth date mo na nagtataglay ng planetang Moon ay nagsasabi ring katugma at ka-compatible mo ang boyfriend mo dahil ang taglay niyang planeta ay Sun.  Ang pagsasama ng Sun at Moon ay sadyang magiging masagana at maligaya.
Luscher Color Test:
Upang mas madali kayong magkabalikan ng boyfriend mo ay mas makabubuting sa inyong pag-uusap lagi kang magsuot ng kulay na dilaw o berde. Sa nasabing pagamit at pagsusuot ng kulay na dilaw at berde, muling mag-iinit at magiging maligaya ang inyong relasyon.
Graphology:
Ang iyong lagda na may korteng puso ay nagsasabi namang malapit na malapit ka nang makapag-asawa. Matapos ninyong magkabalikan ng boyfriend mo sa taon ding ito sa buwan ng Disyembre o kaya’y sa unang quarter ng taon 2015 ay may simple pero masayang kasalang itatala sa inyong karanasan.
Huling payo at paalala:
Teret, ayon sa iyong kapalaran, wala kang dapat na ipag-alala dahil tulad nang nasabi na, sa susunod na mga araw ay muli kayong magkakabalikan ng boyfriend mo. At paglipas ng ilan pang mga buwan,  ipasya n’yo nang magpakasal upang bumuo ng isang masaya at panghabambuhay na pagmamahalan.c

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending