Mataas ang pride | Bandera

Mataas ang pride

Joseph Greenfield |July 29,2014
facebook
share this

Mataas ang pride

Joseph Greenfield - July 29, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Teret ng Tagbina, Surigao del Sur
Dear Sir Greenfield,
Napakasakit dahil ang paghihiwalay na lang ang paraan para hindi mauwi sa sakitan ang aming pamumuhay ng boyfriend ko.  Nagmula sa maliit na tampuhan sa maliit na bagay.  Hindi niya kayang lunukin ang kanyang pride.  Ang akala ko ay huhupa rin dahil idinaan ko ito sa pabiro.  Hindi ko napansin na seryoso na pala siya dahil hindi siya palaimik at tahimik lang.  Hanggang sa bigla siyang sumigaw, na labis kong ikinagulat.  Lumaki na ang problema.  Dinadalaw na ako ng labis na kalungkutan.  Magkakabalikan pa ba kami dahil mahigit limang buwan na siyang hindi tumatawag at hindi man lang nagte-text  sa akin? May 15, 1993 ang birthday ko at January 15, 1991 ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Teret ng Tagbina, Surigao del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Huwag kang mag-alala.  Posibleng bumalik siya at magkabalikan kayo.  Merong Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa kaliwa at kanan mong palad.  Nangangahulugang kung sino ang unang boyfriend mo, siya rin ang mapapangasawa mo at makakasama habambuhay sa hirap at ginhawa, saya at lungkot.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Five of Hearts at Nine of Hearts   (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing magkakabalikan kayo ng boyfriend mo kung ikaw ang unang gagawa ng paraan, tulad ng pagtawag sa cell phone niya o pag-text sa kanya.  Ito ang ibig ng Five of Hearts at Nine of Hearts.  Sa taon ding ito kusa at muling mabubuo ang relasyon ninyo.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending