Regine ayaw gumawa ng serye sa GMA | Bandera

Regine ayaw gumawa ng serye sa GMA

Ervin Santiago |July 27,2014
facebook
share this

Regine ayaw gumawa ng serye sa GMA

Ervin Santiago - July 27, 2014 - 03:00 AM


SORRY na lang sa mga fans ni Regine Velasquez na umaasang makakaroon siya ng teleserye ngayong taon. Mas gusto raw kasi ng Asia’s Songbird na mag-focus muna sa pag-aalaga kay Baby Nate bago siya sumabak sa soap opera.

Tiyak daw kasi na kakain ng napakaraming oras at panahon ang paggawa ng teleserye kaya baka raw next year na ito mangyari.
“Lagi ko ngang sinasabi, ‘Wag kayong maingay, baka marinig kayo ng GMA!’ Ha-hahaha! Hindi, kasi nga ito yung age ni Nate na ayoko ma-miss, nakakatuwa yung age na ‘to.

Next year, kung bigyan nila ako ng soap, kung type nila, at least na-experience ko na yung toddler stage ng bagets. “Hindi ko na maibabalik pa yun.

It’s really more for me than for him,” chika pa ni Regine nang makausap namin recently sa ginanap na Sublian Festival sa Batangas City kung saan nga siya nag-show kasama ang cast ng bekiseryeng Dading na sina Glaiza de Castro, Benjamin Alves at RJ Padilla.

Nagpapasalamat si Regine sa GMA dahil pinayagan siyang magpahinga muna bago at pagkatapos niyang manganak, “Biruin mo, when I was pregnant, I was given a break.

After I gave birth, I was still given time to get me back in shape. Alam nila na nag-e-enjoy pa ako, so yung mga shows ko, once a week lang…kasi dapat, actually, gagawa na ako ng soap, e. Yun yung nasa contract ko talaga.

“E, parang hindi na aabot kasi ang contract ko, I think, two soaps a year. E, wala na, hindi na aabot, so next year na ulit,” sey ni Regine.

Samantala, napakainit ng paganggap ng mga Batangueño kay Regine at sa cast ng Dading sa ginanap ngang Kapuso Fans Day sa Batangas City Sports Coliseum.

Tuwang-tuwa nga ang Songbird na makita muli ang kanyang supporters sa Batangas.Bukod sa production numbers ng Songbird, pati na rin nina Glaiza, Benjamin at RJ, inabangan din ng mga Kapuso fans ang sing-ala Regine at Songbird-look-alike contest na talagang nagpahalakhak nang bonggang-bongga sa audience.

Kaugnay ng ginagawa niyang paglilibot sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, excited na rin si Regine sa bago niyang reality talent show sa GMA, ang Bet Ng Bayan. Makakasama niya rito as co-host si Alden Richards.

Lilibutin nila ang Pilipinas upang hanapin ang mga bet ng bayan pagdating sa pagkanta, sayawan at iba pang talento ng mga Pinoy. “Ano siya, all over the country siya.

So, habang ginagawa ko ‘to (Fans Day), kasama na yun, kasabay na yun. Magsisimula na ito sa September,” chika pa ni Regine.
Anyway, sa darating na July 29, Martes, makikisali rin ang cast ng Ang Dalawang Mrs. Real sa Parada at Sublian sa Kalye na pangungunahan ni Lovi Poe kasama sina Rodjun Cruz, Diva Montelaba at Dominic Rocco na sasakay sa Kapuso float simula 8 a.m..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending