GMA writer kay Aljur: Totoo ang sabi ni Binoe, wala kang balls! | Bandera

GMA writer kay Aljur: Totoo ang sabi ni Binoe, wala kang balls!

Alex Brosas |July 27,2014
facebook
share this

GMA writer kay Aljur: Totoo ang sabi ni Binoe, wala kang balls!

Alex Brosas - July 27, 2014 - 03:00 AM


Merong rumors kung bakit gusto nang layasan ni Aljur Abrenica ang GMA 7 – para makalipat sa ABS-CBN. Although he said na wala pa siyang ini-entertain na network and no negotiations have been done para sa kanyang paglipat, merong chikang siya ang kinukuha ng Dos para maging bida sa remale ng Captain Barbell.

Very revealing ang statement ni Aljur. Sinabi niyang there was a time na meron siyang sakit pero tuloy pa rin ang taping niya. It was tantamount to saying na parang walang puso ang network dahil kahit siya ay may sakit na ay kailangan pa niyang magtrabaho.

True kaya ito? Kung true, aba, hindi na makatao ‘yan, parang wala nang puso ‘yan. Imagine, pagtatrabahuhin kay kahit na wala sa kondisyon ang katawan mo.

We also read na gustong gawing sexy ang packaging kay Aljur ng network. Tila nabastusan siya sa suggested title ng kanyang album, ang “Nota”.

Batikos ang inaabot ng binata ngayon sa social media. He was called names, ingrato raw siya. Siyempre nga naman, Malaki ang utang na loob niya dapat sa Siyete pero ano ang kanyang ginawa?

Anyway, hindi naman kawalan si Aljur sa Siyete. Unang-una, bano pa rin siyang umarte. Hindi pa niya kayang makipagsabayan sa mga batikang artista.

Ang chika ng headwriter ng Siyete na si Suzette Doctolero, ayaw raw nitong mag-acting workshop. “Ahhh, tama nga ang sinabi ni Binoe sa iyo. Isa kang lalaking walang bayag.  Hahaha affected lang.

Of all people naman, o. Isa ka sa paborito, e. Naman, o. Wala ka namang talent (ayaw mo mag workshop di ba? Kaya tanga umarte). Affected talaga hahahaha,” post ni Suzette sa Facebook.

Lait naman ang inabot ng writer. “Not an Aljur Fan….but he/she/it really a HEAD WRITER??? based on her comments. I don’t see any proper education here…go back to elementary please..learn some manners!”

“I dont know but i find suzette so palengkera. ang bargas nya lagi.” One defended her and said, “Totoo naman! Parang kahoy umarte. Machete.”

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending