HOROSCOPE, JULY 27, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, JULY 27, 2014

Madam Sophia |July 27,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, JULY 27, 2014

Madam Sophia - July 27, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Isipin muna ang kapakanan ng sariling pamilya bago maging mabait sa iba. Sa pinansyal, tuloy ang dating ng masaganang kapalaran, at hindi na ito mauubos pa, basta’t matuto ka lang mag mahal sa pera. Mapalad ang 3, 12, 27, 31, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om.” Green at peach ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) –    Simulan na ang negosyong may kaugnayan sa tindahan. Sa pag-ibig, hanapin ang kasuyong may birth date na 5, 14 o kaya’y 23 – siya ang magbigay sayo ng pagyaman. Mapalad ang 8, 12, 15, 28, 33, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jaya-Ritum.” Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) –   Hangga’t hindi ka gumawa ng kaimmoralan patuloy na lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, may tuksong darating, iwasan mo siya, bago ka mapahamak. Mapalad ang 6, 15, 27, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiri-Om.” Pink at beige ang buenas.
 Gemini – (May 21-June 21) –  Isang Sagittarius ang magdadala ng bagong pagkakakitaan. Sa pag-ibig, isang Libra ang kikiliti sa iyong damdamin, nakakikilig na relasyon ang mabubuo. Mapalad ang 5, 14, 15, 23, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor-Om.” White at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) –   Muling patatagin ang gumegewang na relasyon! Balikan ang mga lugar na una nyong pinag-datetan. Sa pinansiyal, higit na mas mahalaga sa salapi ang isang tunay at wagas na relasyon. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Old rose at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) –   Sa pag-ibig, mamayang gabi, uwian ang kasuyo ng pagkaing hugis bilog na kapag hiniwa ay nagiging tatsulok. Sa pinansyal, habang namimigay, tuloy ang pasok ng maraming salapi. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Om-Raga-Om-Kastha.” Yellow at gray ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) –   Bilis ang susi upang yumaman! Wag kukupad-kupad, upang hindi mapurnada ang iyong balak.  Sa pag-ibig, positibo ang magaganap kung magtatapat ka agad ng pag-ibig sa iyong minamahal. Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Lilac at gold ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –  Wag mag-hangad ng kung ano-anong bagay. Alalahaning mas masaya ang buhay ng simpleng pamilya, wag ng hangaring magpayaman ng ubog ng yaman. Sa pag-ibig, pagtiyagaan ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 6, 9, 18,  31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Green at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Mag-invest ng time sa mga bagay na hindi lumilipas – love at charity.  Himukin ang kasuyo na magpayaman upang mas marami kayong matulungan. Mapalad ang 5, 7, 27, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Gray at lilac ang buenas.
 Sagittarius – (November 22 – December 21) –   Kahit anong pilit ang gawin sayong aya ng isang kasama upang maglibang, wag kang sasama, tuturuan ka lang nyang mag-lustay ng salapi. Tandaang ang pagmamahal sa salapi ay may katapat na ligaya pagdating ng araw. Mapalad ang 3, 13, 30, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Tetra-Om.” Pink at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –   Upang kumita ng malaking halaga maging sensitibo sa damdamin ng iba.  Sa pag-ibig, mahuhumaling na naman ang puso mo sa maling nilalang. Mapalad ang 4, 8, 17, 25, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nahatna-Om-Mandala”. Blue at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Hindi ka dapat pang hinaan ng loob, basta’t magtiwala sa sarili kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, may isang Libra na lihim na nagkaka-gusto sa iyo, sa sandaling siya ay nagpakilala, sunggaban mo agad – ka-compatible mo siya! Mapalad ang 4, 11, 28, 32, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghaya-Tri-Aum.” Lilac at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –  Sa araw na ito magiging mabunga ang bawat kilos! Sa pinansyal, dagdag na salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, isang Scorpio ang kikiliti ng iyong puso.  Mapalad ang 2, 16, 24, 31, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Mayabeeja-Om”. Red at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending