Blazers wagi sa Cardinals | Bandera

Blazers wagi sa Cardinals

Mike Lee |July 26,2014
facebook
share this

Blazers wagi sa Cardinals

Mike Lee - July 26, 2014 - 03:00 AM

Laro Ngayon
(The Arena)
2:30 p.m. Arellano vs Perpetual Help
Team Standings: San
Beda (5-0); Arellano (4-1); Perpetual Help (3-1); Lyceum (4-2); San Sebastian (3-2); Jose Rizal (3-3); St. Benilde (2-3); Emilio Aguinaldo (1-4); Letran (1-4); Mapua (0-6)

DINUGTUNGAN ng St. Benilde Blazers ang nakuhang unang panalo sa huling laro nang hiritan ang Mapua Cardinals ng 79-72 panalo sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May career-high na 26 puntos si Mark Romero at inangkin niya ang lima sa 11-5 palitan matapos maiwanan ng isang puntos para sa ikalawang sunod na panalo matapos ang tatlong dikit na pagkatalo.

Si Jonathan Grey ay may 17 puntos para sa Blazers na naunang nagwagi sa Letran Knights, 85-71, noong Lunes.
Lumamang na ang Blazers ng 18 puntos sa ikatlong yugto nang bumangon ang Cardinals at nakalamang pa sa 68-67 buhat sa free throws ni Carlos Isit.

Pero naroroon si Romero para pigilan ang pagkulapso ng Blazers at ipatikim sa Cardinals ang ikaanim na sunod na kabiguan.
Sinolo naman ng Lyceum ang ikaapat na puwesto sa pamamagitan ng 73-67 panalo sa Emilio Aguinaldo College sa ikalawang laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending