Enchong nakuha ang bagong dyowa sa madaling paraan | Bandera

Enchong nakuha ang bagong dyowa sa madaling paraan

Alex Brosas |July 26,2014
facebook
share this

Enchong nakuha ang bagong dyowa sa madaling paraan

Alex Brosas - July 26, 2014 - 03:00 AM


Tila naging madamot si Enchong Dee sa pagbibigay ng details about his girlfriend. “As much as possible I don’t wanna say (anything) talaga. Ibalato n’yo na lang sa akin.

This is by far my happiest relationship and my most private relationship and I would appreciate  if we just stay low key,” may himig-pakiusap na sabi ni Enchong sa presscon ng “Once A Princess.”

“Every little detail na mabibigay ko ay malalaman at malalaman ng tao. Sinabi ko naman na  I would really appreciate it kung private lang siya,” dagdag niya.

But this is not to say na hindi siya proud sa kanyang karelasyon.“Not naman na hindi proud pero simula kasi noong nag-ano ay people keep on researching for her.

As much as possible ayokong mag-give ng details kasi simula noong umamin ako na may GF ako ay may mga nagtu-tweet sa kanya, may mga gumagawa ng account (just) to bash her,” he shared.

Inamin ng binata na hindi matagal ang naging ligawan nila ng kanyang GF, “Compare sa iba (mas madali ko siyang niligawan). I treated her like a princess. Siguro nakita rin niyang good boy ako.”

When asked kung ano ang tawagan nila, nakipag-bargain pa si Enchong, “Iba siya, iba sa akin,” he shared. “Pili ka lang ng isa. Ang tawag ko sa kanya ay sweetie ko. Okay na ’di ba, isa lang?” sabi niya.

So, how did they meet? “Nasa shooting ako ng ‘Once A Princess’, Na-pack-up ako nang maaga and I have to attend an event, ayun nakita ko siya tapos nagpakilala ako. Nagkausap kami tapos hiningi ko ang number niya. That’s it,” he shared.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending