Kris may kakambal na ‘SUMPA’ sa mga lalaki; naisahan uli si James | Bandera

Kris may kakambal na ‘SUMPA’ sa mga lalaki; naisahan uli si James

Alex Brosas |July 26,2014
facebook
share this

Kris may kakambal na ‘SUMPA’ sa mga lalaki; naisahan uli si James

Alex Brosas - July 26, 2014 - 03:00 AM


Talaga itong si Kris Aquino kahit ano na lang isine-share sa kanyang televiewers. Just recently, para siguro mapag-usapan ay itsinika niyang nagpadala ng thank you card si James Yap dahil sinabihan ito ng fans niya na ipinagdasal siya ni Kris.

Ang kaso, hindi pala ganoon ang scenario. Kris was praying na maagang matapos ang final game nina James dahil baka nga naman walang manood ng show nila ni Boy Abunda.

Ayun, naloka si James nang malaman niya ito kaya nakapagdayalog daw ito ng “na-touch pa naman ako na nag-pray ka para sa akin”. So, naisahan ni Kris si James? Well, parang. Parang daw, o!

Anyway, Kris, with seeming finality, said in a recent interview na hindi na siya umaasa pang magkaka-boyfriend. Solve na raw siya na meron siyang dalawang anak na mahal na mahal siya.

Kris must have realized na hindi talaga siya meant to be in a relationship, na walang lalaking magseseryoso sa kanya. No matter how rich she is, no matter how popular she is, wala pa rin siyang makikitang lalaking totohanin siya.

That her CURSE! Meanwhile, nang hingan daw si James ng chance na magbigay ng advice kay Kris about lovelife, tumanggi raw ito and said, “Ako, magbibigay ng advice? Ayaw!”

Well, seems like natuto na ang PBA player ng kanyang lesson kaya ayaw na niyang magsalita pa about his ex-wife!

( Photo credit to EAS )

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending