Goma nakiusap na wag husgahan sina Bong at Jinggoy | Bandera

Goma nakiusap na wag husgahan sina Bong at Jinggoy

Ervin Santiago |July 26,2014
facebook
share this

Goma nakiusap na wag husgahan sina Bong at Jinggoy

Ervin Santiago - July 26, 2014 - 03:00 AM


WALA pa ring kupas ang kaguwapuhan at kakisigan ni Richard Gomez. Siya pa rin ang itinuturing ng marami na ultimate leading man – dahil kahit nagkaedad nang konti ay taglay pa rin niya ang karisma na minahal ng milyun-milyong Pinoy noong kasagsagan ng kanyang kasikatan.

Nakausap ng ilang miyembro ng entertainment press ang mister ni Rep. Lucy Torres-Gomez sa taping ng bago niyang game show sa TV5, ang Quiet Please! Bawal Ang Maingay! na magsisimula na sa Aug. 10, Linggo, 8 p.m., at dito nga siya pinuri-puri ng media – wala pa rin daw binatbat sa kanya ang mga kabataang aktor kung kaguwapuhan din lang ang pag-uusapan.

Kuwento ni Richard, wala naman daw siyang sikreto pagdating sa pananatili ng kanyang freshness, kapag daw maligaya at kuntento ang isang tao, lalabas at lalabas daw talaga ang magandang aura nito.

At sa ngayon, maligaya naman siya sa piling ni Lucy at sa kanilang nag-iisang anak na si Julianna. Nabanggit pa nga ang papuri ng mga Pinoy sa kanyang kaguwapuhan nang mapanood ng mga ito ang certified blockbuster hit na “She’s Dating The Gangster” kung saan gumanap siyang tatay ni Daniel Padilla.

In fairness, marami ang nabitin sa kanila ni Dawn Zulueta sa nasabing pelikula kaya naman umulan ang request sa Star Cinema na bigyan na sila ng full-length reunion movie.

Pero mukhang matatagalan pa nga bago natin sila uli mapanood sa big screen na nagpapakilig at nagpapaiyak sa manonood, dahil sa ngayon tinatapos pa lang ni Goma ang pelikula niya with Gretchen Barretto and John Lloyd Cruz under Star Cinema, ang suspense-drama na “The Trial”.

Samantala, tinanong naman namin si Goma kung ano ang feeling niya sa pagkakakulong ng mga kaibigan niyang sina Sen. Bong Revilla at Sen.  Jinggoy Estrada dahil sa pagkaksangkot ng mga ito sa pork barrel scam.

“Alam mo siyempre, nakakalungkot lang na kailangan pa nilang pagdaanan ang ganito, I feel sad that they’re in jail now but I think it’s an opportunity for them to prove themselves that they’re not guilty of what’s being accused of,” ani Goma.

“Mahaba kasi ang judiciary process na ‘yan, e. Right now, they’re being accused but they’re not yet guilty until matapos ang kaso. So we really have to wait and it might take long and it might take years bago natin malaman ang maging verdict nito,” paliwanag pa ni Richard.

Dinenay din ng asawa ni Lucy na tinalikuran na niya ang pagkakaibigan nila nina Bong at Jinggoy dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa isyu ng pangungurakot.

“Hindi naman. They’ve been my friends. And I believe this is also an opportunity for them to prove themselves that they’re not guilty, na wala silang ginawang kasalanan sa bayan,” sabi pa ng Kapatid host.

Anyway, speaking of Goma’s newest game show sa TV5, ito ngang Quiet Please! Bawal Ang Maingay!, excited siya to talk about this new project dahil muling mapa-practice ang pagiging magaling niyang TV host.

Kung matatandaan, nag-host na rin ng game show noon ang aktor sa TV5, ang The Biggest Game Show In The World (Asia).
Napanood namin ang ilang eksena sa taping ng nasabing game show at talaga namang nakaka-excite ang bawat emote ng mga contestants.

E, kasi nga, sa game show na ito, bawal ang mag-ingay dahil bawat kilos ng mga contestants sa mga challenges na kailangan nilang gawin ay naka-record sa isang giant noise meter (isang ultra-sensitive, noise measuring device na biglang mag-aalarm kapag naka-detect siya ng kahit na pinakamahinang tunog).

“Ultimately, ang goal ng game ay ang magawa ng mga contestants na magawa ang ibibigay naming mga challenges nang walang ingay, kailangan matapos nila ang lahat ng ipagagawa namin sa kanila na hindi nag-aalarm ang ating giant noise meter,” paliwanag ni Richard.

Makakasama ni Goma sa Quiet Please! Bawal Ang Maingay! bilang co-host ang isa sa favorite naming komedyana na si K Brosas na tiyak na magbibigay sa inyo ng walang patumanggang pagpapatawa. Magsisimula na sa Aug. 10 ang programa kaya abangan!

Puring-puri naman ni Richard Gomez ang tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa “She’s Dating The Gangster”. Siyempre, tuwang-tuwa ang aktor dahil napasama siya sa isang certified blockbuster hit ng Star Cinema.

“It’s a short role but it’s good, it’s a good movie. It was nice working with Daniel and Kathryn,” sey ng aktor-TV host. “It’s actually a very good loveteam. Masang-masa ang dating ni Daniel at Kathryn and that’s what we all want. I’m very happy for the both of them,” chika pa nito.

Sey pa ni Goma, napaka-positive ng pakikipagtrabaho niya sa dalawang bagets, “You always like to get the energy from other people, especially the good vibes.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to inquirer news service )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending