Maegan Aguilar: Pinagsisisihan ko ang ginawa ko sa tatay ko! | Bandera

Maegan Aguilar: Pinagsisisihan ko ang ginawa ko sa tatay ko!

Cristy Fermin |July 25,2014
facebook
share this

Maegan Aguilar: Pinagsisisihan ko ang ginawa ko sa tatay ko!

Cristy Fermin - July 25, 2014 - 03:00 AM

MAEGAN AT FREDDIE AGUILAR

Hindi man personal na ginawa ni Maegan Aguilar ang panghihingi ng paumanhin sa kanyang ama ay mas maganda nang aksiyon ang ganu’n kesa sa patuloy pa rin niyang pagtungayaw kay Ka Freddie Aguilar.

Sa social media ‘yun pinadaan ni Maegan, hindi siya humarap sa kanyang ama, hindi pa siguro kayang makipagtinginan nang mata-sa-mata ng anak sa binalahura niyang tatay.

Sinabi ni Maegan na siguro raw ay masyado lang siyang naging emosyonal, nanibugho lang daw siguro siya sa kanyang madrasta dahil mas binibigyan ito ng atensiyon at pagmamahal ng kanyang ama, pero pinagsisisihan daw niya ang lahat ng kanyang ginawa at sinabi.

May mga nagpapalagay na kaya lang ginawa ni Maegan ang pagpapakumbaba ay dahil masyado na siyang nahihirapan, hindi na raw siguro niya alam kung paano niya bubuhayin ang kanyang mga anak, hindi naman kasi siya puwedeng habambuhay na lang na tumakbo at magpasaklolo sa kanyang tiyahing si Marlene Aguilar na lumalabas na kakampi niya sa laban.

Pero gusto naming paniwalaan na mula sa puso ang panghihingi ng dispensa ni Maegan kay Ka Freddie, gusto pa rin naming maniwala na ang anak ay anak lang at ang magulang ay magulang, kaya nararapat lang naman na ang anak ang unang dapat magsuko ng puting bandera kapag nagkakaroon sila ng hindi pagkakasundo ng kanyang magulang.

At sana’y maging leksiyon na para kay Maegan Aguilar ang pangyayaring ito, walang magandang resulta ang pagmamaangas, lalo na sa taong dapat niyang tanawan ng utang na loob kung bakit siya isinipot sa mundo.
Sa buong-buong katotohanan lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending