Liligaya sa ikalawa | Bandera

Liligaya sa ikalawa

Joseph Greenfield |July 25,2014
facebook
share this

Liligaya sa ikalawa

Joseph Greenfield - July 25, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Avelina ng Ferrol, Tablas, Romblon
Dear Sir Greenfield,
Nakapanlulumo na nauna pang madiskubre ng mga kapitbahay ko na kerida lang pala ako.  Hindi ko inakalang kabit lang ako.  Naniwala ako sa presentasyon ng aking minahal na biyudo siya dahil isinama pa niya ang kanyang kapatid sa amin na sinabi nga na maagang nabiyudo ang kinakasama ko.  Ayaw ko na siyang tawaging asawa.  Lover na lang ang tawag ko sa kanya.  Nang sumabog ang tsismis sa amin at kinompronta ko siya ay madalang na siyang umuuwi.  Noong una ay parati naman ang padala niya ng pera na panggastos ng aming anak, hanggang sa dumalang na rin ito.  Hindi na siya nagte-text.  Praktikal ako kaya nagme-makeup na ako.  Sa edad kong ito ay may magmamahal kaya sa akin nang tunay?  Huwag na ninyong ilathala ang birthday ko.
Umaasa,
Avelina ng Ferrol, Tablas, Romblon
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Doble ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at arrow 2.) at sila ay nasa kaliwa at kanan mong palad. Ang nauna ay nabiyak (arrow 1.) habang malinaw at mahaba ang ikalawa (arrow 2.). Ibig ipahiwatig nito na hindi magtatagumpay ang una at magtatagumpay, at liligaya ka sa ikalawa at habambuhay pa.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Jack of Diamonds, at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung may kaya sa buhay o mayaman ang una mong nakasama na may pamilya na, higit na mas mayaman ang isang binata na susunod mong mapapangasawa.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending