Erich palaban na sa halikan, hubaran | Bandera

Erich palaban na sa halikan, hubaran

Ervin Santiago |July 25,2014
facebook
share this

Erich palaban na sa halikan, hubaran

Ervin Santiago - July 25, 2014 - 03:00 AM

ERICH GONZALES AT ENCHONG DEE

ANG latest movie ng Star Cinema na “Once A Princess” ang pinaka-daring at pinaka-mature project na ginawa ng Kapamilya leading lady na si Erich Gonzales. Sa trailer pa lang nito ay talagang sandamakmak na kissing scene at pagbibilad ng katawan ang napanood natin.

Sina JC de Vera at Enchong Dee ang leading men ni Erich sa pelikula, at mukhang napalaban ang dalaga sa dalawa pagdating sa pagpapa-sexy. Bukod kasi sa ipinakitang halikan at sex scene nila ni JC, meron din siyang mga eksenang naka-two piece sa beach with Enchong.

“Diyos ko! Yun nga po! First time kong mag-swimsuit. Nu’ng nabasa ko po yung script, sabi ko, ‘Hala may beach scene.’ Akala ko preparing lang baka pwede naka-dress. Pero hindi pala, kasi diretso na siya na nakabathing suit na two-piece pa talaga. Sabi ko nga, okay lang kasi lagi ko namang sinasabi na pag kailangan sa eksena. Gagawin ko naman po yun na walang inhibition at walang arte,” ang paliwanag ni Erich.

Tinanong ang aktres kung paano niya ikukumpara ang kissing scene nila ni JC sa halikan nila ni Enchong sa Once A Princess?

“Ang hirap ng tanong, ha. Magkaiba po kasi, magkaibang tao po naman kasi sila at magkaibang lips! Ha-hahaha! Siguro parehong passionate. Yung kay JC may passion kasi husband ko siya sa pelikula, pero yung kay Enchong true love, e. Siguro yung kay Enchong, there is fire!”

Ang “Once A Princess” ay hango sa Precious Hearts Romances novel na isinulat ni Angel Bautista na may parehong title na idinirek ni Laurice Guillen mula sa Skylight Films (subsidiary ng Star Cinema) at Regal Films. May dalawang time periods na sakop ang pelikula, noong 2007 kung saan mga bata pa ang karakter ng mga bida at ang present na sitwasyon nila bilang mga adults na.

Kuwento pa ni Erich about the movie, “This is an adult material. Ako po rito si Erin Almeda, isa siyang sikat, mayaman at sheltered siyang lumaki talaga, tapos sa isang iglap nawala sa kanyang lahat.

“Tapos na-meet niya si Leonard (Enchong) na lalaking mahal niya. Pero dahil sa hindi magagandang pangyayari sa buhay ni Erin, nagkahiwalay po sila at napilitan po siyang magpakasal sa karakter ni JC na hindi ko naman talaga mahal. Tatanungin ng pelikula kung ano ba ang happily ever after para sa sa ‘yo? Kung idedepende mo ba ang kaligayahan mo sa ibang tao o ikaw ang gagawa ng sarili mong happy ending,” chika pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending