HOROSCOPE, July 24, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, July 24, 2014

Madam Sophia |July 24,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, July 24, 2014

Madam Sophia - July 24, 2014 - 01:29 PM

Para sa may kaarawan ngayon:  Imbis na mag-concentrate sa aspetong pang-damdamin, na ikalulungkot mo lang sa dakong huli, mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ogre-Ego-Sum.” Red ang pink ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Magbubunga na ang iyong mga pagsisikap! Magiging paborable ang pagdating ng zodiac sign na Leo, ituloy mo ang lahat ng iyong binabalak. Kasado na ang tagumpay, may masarap na bonus pang romansa. Mapalad ang 9, 14, 23, 32, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Magenta at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Iwasang gastusin ang pera sa mga bagay na madali namang malaos at maluma. Sa pag-ibig, hindi lamang materyal na bagay ang nagpapaligaya  – kundi ang lambing at himas ng minamahal. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Mayabeeja-Om.” Lilac at blue ang buenas.
 Gemini – (May 21-June 21) — Ituloy lang ng ituloy ang iyong ginagawa, hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipag-relasyon sa isang romantikong Libra. Mapalad ang 3, 12, 23, 27, 31 at 43. Mahgiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at silver ang buenas.
 Cancer – (June 22- July 22) — Upang mas madaling umunlad magpatulong ka sa isang kaibigang Virgo. Sa pag-ibig, sa isang kaibigan Virgo mo rin matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 16, 25, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Om-Agara.” Blue at maroon ang buenas.
Leo (July 23 – August 22) — Wag ng maghanda ng kung anu-ano, simpleng birthday na lang ang dapat. Mag-picnic kayo ng kasuyo sa bukid. Sa ganyang paraan, nakatipid kana lalo pang naging sweet ang relasyon. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Wag ng magsalita ng magsalita ng kung anu-ano, kumilos na lang ng kumilos upang mas madaling umunlad. Sa pag-ibig, naiinip na ang kasuyo sa mga pangako mong hindi naman natutupad. Mapalad ang 5, 17, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om.” Silver at Violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Kusang sinusuwerte ang mga Libra sa panahon sila ay in love. Buhayin ang pakikipag-relasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 3, 18, 25, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om-Mandala.” Lilac at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pag-ibig, muling iinit ang nanlamig na relasyon. Kung magsusuot ng kulay na red kusang darami ang salapi. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Gasmin-Nama-Om.” Bukod sa red at ang berde ay buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kapag may problema isiping ang lahat ay lilipas din. Sa pinansyal, ang kawalan ng salapi sa ngayon ay nagbabadya ng kasaganaan sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, lilipas din ang kabiguang nadama sa pagdating ng isang Aries. Mapalad ang 7, 9, 27, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Red at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi na uso ngayon ang nagbabait-baitan! Kailangan ipaglaban ang iyong paniniwala upang umunlad ka. Tandaang higit na mas mabuti ang matuwid kaysa sa mabait. Sa pag-ibig, hanggat hindi ka kumikibo, patuloy ka lang aapihin. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Om.” Green at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pinansyal, kung magpapautang ng salapi piliin lamang ang mga taong may kakayahang magbayad upang hindi ka masuba. Sa pag-ibig, sa pakikihalubilo sa lipunan matatagpuan ang true love. Mapalad ang 1, 14, 19, 28, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Aum-Hagiel.” Yellow at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kung hindi ka magbabago ng kilos, malabo kang umunlad. Sa pinansyal, kailangang umalis ka sa sinilangang bayan upang yumaman. Sa pag-ibig, sa malayong lugar matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om.” Pink at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending