Claudine adik sa pagpapasipsip ng taba kaya puro sugat at pasa ang katawan | Bandera

Claudine adik sa pagpapasipsip ng taba kaya puro sugat at pasa ang katawan

Cristy Fermin |July 24,2014
facebook
share this

Claudine adik sa pagpapasipsip ng taba kaya puro sugat at pasa ang katawan

Cristy Fermin - July 24, 2014 - 03:00 AM


Nawili kasi si Claudine Barretto sa pagiging tahimik lang ni Raymart Santiago sa kung anu-anong bintang na ipinupukol niya. Sige lang siya nang sige sa kalalabas ng kung anu-anong maaaring ikasira ng imahe ng ama ng kanilang mga anak.

Hindi yata alam ni Claudine na kung may aksiyon ay merong katapat na reaksiyon ang ganu’n, may hangganan din ang pisi ng mahabang pasensiya, kaya kundi man ang aktor ang gumawa ng paglilinaw ay puwedeng manggaling ang depensa sa mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.

Tulad ngayon, may mga inilabas na ebidensiya si Claudine tungkol sa diumano’y pambubugbog nang pisikal sa kanya ni Raymart, ayon sa aktres ay matagal na panahon nang nangyari ‘yun pero ang mga pasa at pilat ay hindi pa rin nawawala.

Ipinakita ni Claudine ang kanyang mga matang punumpuno ng pasa, ang malalaki niyang hita na may mga peklat ng sigarilyo, gusto niyang palabasin na si Raymart ang gumawa nu’n sa kanya kahit siya naman ang naninigarilyo at hindi ang nakahiwalay niyang mister.

Naglabas ng pangontra ang kampo ni Raymart, mga retrato ‘yun na kuha ng kanyang bilas na si Marilou na asawa ni Randy nu’ng maliligayang araw pa nila ni Raymart, nagsasalita ang mga retrato.

Nakabenda ang mga mata pati pisngi ni Claudine, liposuction ang dahilan ng mga pasa-pasa sa kanyang mukha, malinaw na hindi ang sinasabi niyang pambubugbog sa kanya ni Raymart ang dahilan nu’n.

Naadik pala sa pagpapa-liposuction si Claudine, mas mahabang panahon pa pala kadalasan ang ipinamamalagi niya sa pagpapaganda ng kanyang mukha at katawan kesa sa oras niya sa kanyang mag-aama, maraming taong makapagpapatunay tungkol du’n.

Ewan kung ano na namang mapanirang akusasyon kay Raymart ang susunod na palilitawin ng aktres, pero siguro’y kailangan na niyang maghinay-hinay ngayon, hindi na basta mananahimik lang ang pamilya Santiago sa kanyang mga bintang.

Tapos na ang pananahimik ng kampo ni Raymart Santiago, sumisigaw na ang pamilya ng tama na, sobra na!

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending