Kamalasan, kanegahan ni Piolo nahinto dahil kay Iñigo | Bandera

Kamalasan, kanegahan ni Piolo nahinto dahil kay Iñigo

Ambet Nabus |July 24,2014
facebook
share this

Kamalasan, kanegahan ni Piolo nahinto dahil kay Iñigo

Ambet Nabus - July 24, 2014 - 03:00 AM


Mabuti na lamang at naging solid ang tawa namin sa presscon ng Hawak Kamay na successfully ay nagsimula na noong Lunes sa ABS-CBN primetime.

Ang lakas kasing maka-positive vibes ng naturang presscon dahil bonggang tawanan ang hatid ng ilan sa mga kasama dito partikular si Ryan Bang, bilang best friend ni Papa Piolo Pascual sa soap.

Grabe ang naging pagtutol nito sa kantiyaw sa kanya ng press na diumano nga’y basted siya kay Alex Gonzaga kaya ang ending, tinawag nga niyang “echosera” ang TV host-actress at ibinuking pa ang “kembot” (read: may nararamdaman din  sa kanya) ni Alex sa kanyang panunuyo.

Pero kinlaro naman ni Ryan na friends pa rin sila nito at dahil ayaw na niyang mabuhay sa mapait na epekto ng mga kantiyaw, inianunsyo niyang very happy siya sa kanyang bagong girlfriend na isang ring Korean.

At dahil proud siya sa participation niya sa Hawak Kamay, (take note ha, araw-araw na siyang mapapanood mula tanghali hanggang gabi from Monday to Saturday dahil sa mga shows na kasali siya), feeling niya raw ay mas sikat pa siya kay Papa P, na sobrang simple at mabait, and yes, tinawag niyang galante. Ha-hahaha!

Noong mapanood namin nu’ng Lunes ang Hawak Kamay, agad naming napagtanto na tailor-made ang role ni Gin kay Papa P. Halatang inilaan talaga ng unit ni direk Ruel Bayani ang soap for him, na kung hindi nga nagwagi sa takilya ang huling movie niya with Toni Gonzaga ay malamang na nag-quit na sa showbiz.

Mataas ang expectations namin sa soap kung saan pinagsama-sama ang tatlong mga nagbida na ring child wonder ng ABS-CBN, sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat at Andrea Brillantes plus ang pinakabagets na si Yesha Camile.

Kasama rin dito sina Iza Calzado, Nikki Gil, Victor Neri at iba pa. Noong maging panauhin namin sa DZMM show si Diane Medina, sinabi rin nitong very soon ay magiging bahagi rin siya ng pampamilyang soap at gaya ng emote ni Nikki, kahit nga raw walang dialogue ay willing siyang lumabas basta makaeksena lang niya si Papa P. Ha-hahaha!

Well, from the looks of it, mukhang marami pang ibang Kapamilya stars ang willing na mag-cameo sa Hawak Kamay if only for the same reason na nang dahil kay Papa P!

Ngayon naniniwala kami na binigyan uli ng chance si Piolo sa mundo ng showbiz, dahil muli siyang minahal ng publiko. Siguro ‘yan din ang good karma niya sa pagiging mabuti at responsableng ama ni Iñigo.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending