Danita Paner nilayasan ang ina, galit na galit dahil kay Willie | Bandera

Danita Paner nilayasan ang ina, galit na galit dahil kay Willie

Jobert Sucaldito |July 24,2014
facebook
share this

Danita Paner nilayasan ang ina, galit na galit dahil kay Willie

Jobert Sucaldito - July 24, 2014 - 03:00 AM


NAGLAYAS daw for a few days si Danita Paner sa poder ng kaniyang inang si Daisy Romualdez dahil nabuwisit diumano ito sa kaniya. Sa isang kaibigan namalagi si Danita para magpalamig pero kinalaunan ay bumalik din.

Ayon sa source natin, nagalit daw si Danita kay Daisy dahil hindi man lang diumano ito ipinagtanggol ng ina nu’ng lumabas ang isyu sa kanila ni Willie Revillame. Bagkus ay hinayaan pa raw ang isyu para pag-usapan at pagpistahan.

“Instead na ipagtanggol daw si Danita ay in-enjoy pa nito ang mileage ng isyu nina Willie at ng kanyang anak. Kasi nga, close si Daisy kay Willie at palagi siyang nireregaluhan ng kung anu-ano – bags, jewelry at pera.

Kumbaga, okay lang sa kanya na ma-link siguro ang anak kay Willie dahil maliban sa may pera ito, magkaibigan sila. Kumbaga, boto rin si Daisy kay Willie para sa anak, kaysa kung kanino lang diyan, doon na lang sa mga tulad ni Willie para secured na ito sa future niya,” anang source natin.

“Ang nakapagtataka lang this time ay kung bakit parang naging maamong tupa si Daisy dahil kay Willie na-link ang anak. Kung naalala ninyo pa, when Danita got involved with Kean Cipriano ng Callalily before, pina-NBI pa niya ang singer-actor.

In love na in love that time si Danita kay Kean kaya lang, hindi kasing-yaman ni Kean si Willie. Actually, naguguluhan ako sa mag-inang iyan at nalilito ako sa character nitong si Daisy.

I don’t know what she really wants para sa anak niya. Parang tama naman siyang parang mali,” sabi naman ng isang kakilala namin. Hindi lang namin batid kung bati na ang mag-ina pero ang dinig namin ay umuwi na si Danita sa kanila.

Nang minsang makasalubong namin si Willie ay tinanong namin siya tungkol sa isyung ito – kung totoong sila na ni Danita, agad itong nag-deny.

Magkaibigan lang sila ni Danita at malapit din siya sa pamilya ng dalaga. No way daw na tataluhin niya si Danita dahil he saw her grow.

Pero nang si Daisy naman ang tinanong namin sa isyung ito before, ang tanging sagot niya ay matatanda na raw sila to know what is right for them.

Huwag lang daw apihin ni Willie ang kaniyang anak in the end at baka martilyuhin niya ito. Suffice to say na parang boto nga siya kina Danita and Willie.

Ang tanong diyan ay magiging masaya ba si Danita sakali mang magkatuluyan sila ni Willie? I doubt it. It’s not all about money or material things ang makapagpaligaya sa isang babae – pag-ibig pa rin ang iiral.

“Parang hindi ninyo naman kilala si Daisy, or kahit sinong ina siguro, na nais lamang ilagay ang anak sa secured na buhay. Sino ba ang gustong makita ang anak na naghihirap, di ba?

Di ba’t pasosyal si Daisy kaya gusto niya pasosyal din ang mga anak?” ang medyo may laman na sabi ng isang kausap namin.
Isa lang din ang reaksiyon namin sa isyung ito – matatanda na sila to know what they’re doing. Sounds familiar, di ba, Daisy?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending