Shooting nina Vice Ganda at Richard Yap napurnada | Bandera

Shooting nina Vice Ganda at Richard Yap napurnada

Julie Bonifacio |July 23,2014
facebook
share this

Shooting nina Vice Ganda at Richard Yap napurnada

Julie Bonifacio - July 23, 2014 - 03:00 AM


Na-move pala sa August 1 ang first shooting day ng unang tambalan sa pelikula ng Phenomenal Star na si Vice Ganda at ng tsinitong actor na si Richard Yap, ang “Praybeyt Benjamin 2” directed by Wenn Deramas.

Unang nabanggit ni Richard sa amin sa grand opening ng kanyang bagong restaurant na Luna J Gastropub na baka last week ng July sila magsimula ng shooting ni Vice.

Noong huling nakausap din namin si Direk Wenn sinabi niya na naka-schedule ng July 21 ang first  shooting day ng movie nila. Kailangan daw kasing masimulan na nila ito ng July para hindi umabot sa month ng August.

Marami raw kasi ang nagko-consider sa August bilang ghost month. At kapag nasimulan na nila ng July 21, kahit manaka-naka na ang kasunod na shooting nila sa August.

Pero nu’ng tinext namin si Direk Wenn last Monday, sa August 1 pa raw ang shooting nila. Malamang wala nang makuhang schedule sa kanilang tatlo para sa buwan ng Hulyo.

Nakatakda rin kasing umalis si Direk Wenn sa July 27 patungong Hongkong kasama ang kanyang mga anak. E, first time dadalhin ni Direk Wenn doon ang mga anak niyang sina Gab at Rafa.

And according to him, three days sila magi-stay sa Hongkong. So, pagbalik na ni Direk Wenn from Hongkong ang start ng shooting nila ng “Praybeyt Benjamin 2” na isa sa mga entry  ng MMFF 2014.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending