Relasyong Angeline-Erik nakakakilabot | Bandera

Relasyong Angeline-Erik nakakakilabot

Jobert Sucaldito |July 23,2014
facebook
share this

Relasyong Angeline-Erik nakakakilabot

Jobert Sucaldito - July 23, 2014 - 03:00 AM

MATINIK talaga sa babae si Erik Santos. Ooopppps! Huwag masyadong magtaas ng kilay, ha. Magbasa na lang at mag-react silently pero wa na ang violence effect. Just have fun reading this, OK? Wala tayong magagawa dahil lapitin talaga ng mga Quinto si Papa Erik.

Imagine, from a bombshell like Rufa Mae Quinto (ilang taon ba ang itinagal nila? Taon ba o months lang?) ay isa na namang Quinto ang nabihag ni Papa Erik – si Angeline na iba ring umeksena sa buhay.

Kaya ang iba pang mga Quinto riyan – watch out, ha!  “Totoo bang magsyota na sina Erik and Angeline?” ang siyang palaging tanong sa amin ng mga kakilala na may halong pagdududa.

Parang ayaw naman nilang marinig ang sagot na “OO” kasi meron silang automatic na reaksiyon na di naman sang-ayon sa sagot. Kaya hindi na lang namin pinapansin ang question nila.

Kasi nga, kinukuwestiyon nila ang gender ng dalawa, si Angeline daw kasi ay may pagka-boyish nu’ng kabataan niya sa Sampaloc. Pero recently ay meron siyang inamin sa interviews niya na nagka-boyfriend na rin siya – as in, na-in love siya nang todo.

Si Erik naman, despite his past relationship with sexy nymphet Rufa Mae ay pinagdududahan pa rin ang gender – kasi nga, nabarkada ito sa mga questionable men.

Huwag na nating pangalanan ang ibang barkada niya sa showbiz na balitang left-handed (charrozzzzzz! Ha-hahaha) ay ganoon na rin siya. Kaya yung mga hanging niyang sagot sa status nila ni Angeline ay parang binibigyan nila ng malisya – na malabo raw talagang maging sila dahil malambot siya – ganoon ang interpretasyon ng ilang members of the media of him. Kawawa naman, di ba?

Parang isang malaking krimen kung halimbawa ma’y mapatunayang hindi siya tunay na lalaki. Paano na kami niyan? I mean, paano na ang katulad naming out na out ang pagka-gay – do we look bad to you, guys?

Ha-hahaha! Echos lang. Iba kasi ang dating pag celebrity ang kinukuwestiyon, parang may ibang impact. Kaya halos lahat ay nakatutok sa kahihinatnan ng friendship na ito nina Erik and Angeline.

Parang gusto nilang maging sila talaga na parang ayaw din. Ang gulo ng fans, di ba? “Malabong maging sina Erik and Angeline. May alam ako, ‘no! Na kay Angeline na iyon kung magtitiyaga siya.

Pag naging sila in the end, for sure ay hindi rin sila magtatagal. Iba kasi ang hanap ni Erik, ‘no! Alam niyo iyon,” ang pagmamaasim ng isang kausap namin.

“Yung nangyari kina Erik and Rufa Mae noon ay trip-trip lang. Yung…alam mo na. Yung parang nag-drugs lang at napagtripang maging magdyowa. Ha-hahaha! Ayon, nauwi rin sa wala, di ba?

Kaya itong kina Erik and Angeline, waley yan. Baka magsabunutan pa ang mga iyan in the end. Ha-hahaha!” pahabol pa ng lokong kausap natin.

May ginawa bang masama sa inyo si Erik? May kasalanan ba siya sa inyo para pagdudahan n’yo ang kanyang pagkalalaki? Puwede rin namang sabihing “BI” (read: bisexual) si Erik – puwede kahit saan, pwede kahit kanino.

Parang si Fifth ng PBB na nag-confess na ng kaniyang kasarian. Wala namang masama roon, di ba? Ikinamatay ba ni Fifth ang pag-amin niyang BI siya? Hindi naman, di ba?

Lalo pa nga siyang minahal ng sambayanan, di ba? Kaya lang naman naging interested kayong malaman dahil celebrity si Erik, aminin niyo iyan. Kung ordinaryong tao iyan, kebs niyo naman, di ba?

Papa Erik, pakisagot na nga sila para matigil na ang bulung-bulungan. Si Piolo Pascual kasi ay nag-swear pang alam daw ni Lord na hindi siya bading.

Kung gusto mo, gayahin mo na rin ang statement ni Papa P para matapos na ang lahat. Kahit sina Mark and Christian Bautista nga ay pinagdududahan din ang kasarian. Hindi rin nakaligtas si Jed Madela.

Pati nga ang love kong si Enchong Dee ay ganoon din. Same with the malditang Xian Lim and Martin del Rosario, di ba?
Wait, parang padami na nang padami ang pinagbibintangan ninyong badingding, ah! Basta ang sure lang akong bading ay sina Vice Ganda, Kuya Boy Abunda, Allan K, etcetera.

Though wala pang umaamin sa kanila, ha! Ha-hahaha! Eh, kung ako nga, di pa confirmed, eh! Ha-hahaha! “Sana tigilan na kasi nila ang press release nila (Erik and Angeline) na parang nagliligawan sila dahil nakakapangilabot.

Kung maging sila, so be it pero huwag nang masyadong i-push. Tumatayo ang mga balahibo ko sa buong katawan. May pa-I Love You, I Love You pa sila eh parang hindi naman swak.

Hasus!” pahabol pa ng isang lasing na kabarkada namin. Hay naku, mga inggiterong ito. O siya, siya – titigilan na natin ang isyung ito. Basta ako love ko iyang si Erik, friends kami niyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa inyo na si Angeline Quinto na iyan. Ano naman kasi ang mapapala ko kay Angeline – eh babae iyan? Kay Papa Erik pa, may konting chance whatever, di ba? So be it na rin. Babu!

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending