Marian umuwing luhaan, pinatumba ni Kim Chiu | Bandera

Marian umuwing luhaan, pinatumba ni Kim Chiu

Alex Brosas |July 20,2014
facebook
share this

Marian umuwing luhaan, pinatumba ni Kim Chiu

Alex Brosas - July 20, 2014 - 03:00 AM


Hanggang FHM lang yata ang beauty ni Marian Rivera. Kaya nasabi namin ito ay dahil na-zero ang beauty niya sa katatapos na 2014 Yahoo OMG Awards na ginanap sa SM Mall of Asia Arena recently.

Walang ipinanalo si Marian, something which surprised us dahil ang dami-dami nitong fans sa social media. Isa pa, hindi ba’t kapapanalo lang niya bilang Sexiest Pinay, bakit ngayon nganga ang beauty niya sa Yahoo OMG Award?

Tinalo pa siya ni Kim Chiu na ilang awards ang napanalunan. Kay Kim pa lang, eh, wala na siyang binatbat. ‘Yan ba ang sikat?
Si Kim ay nagwagi bilang Celebrity of the Year, Actress of the Year at ang KimXi ang Fan Club of the Year.

Nasaan na ang fans ni Marian na mahilig mam-bash kapag merong nega na nasusulat about their idol? Bakit parang hindi sila naging active sa pagboto?

Parang gusto na rin naming maniwala tuloy na hanggang FHM lang ang beauty niya. Katawan lang niyang seksi ang pambato niya at wala talaga siyang solid fans na kaya siyang ipanalo sa mga poll ng award-giving bodies.

Ang isa pang ikinaloka namin ay ang pagkatalo ni Ryzza Mae Dizon bilang Child Star of the Year. Hindi ba’t sikat na sikat si Ryzza Mae ngayon, bakit tinalo siya ng isang Andrea Brillantes na kumpara sa kanya ay hindi hamak naman na hindi kilala kaysa sa kanya.

The child wonder of GMA tinalo ng isang hindi naman kasikatang kiddie star ng Dos? Isn’t that amazing!? Pero ang mas higit na nakakaloka ay ang pagkapanalo ni JC de Vera bilang Male Emerging Star of the Year.

No, we’re not questioning kung paano siya nanalo. Ang mas kinukuwestiyon namin ay ang title niya. Since he’s been around for more than seven years na yata, bakit emerging star pa rin ang kanyang level? Hindi ba’t nakakatawa ang category na kinasadlakan niya?

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending