Richard, Sarah malapit nang ikasal; Baby Zion model na | Bandera

Richard, Sarah malapit nang ikasal; Baby Zion model na

Julie Bonifacio |July 13,2014
facebook
share this

Richard, Sarah malapit nang ikasal; Baby Zion model na

Julie Bonifacio - July 13, 2014 - 03:00 AM


Napanood namin na nag-uusap ang kambal na sina Richard at Raymond Gutierrez sa harap ni Sarah Lahbati sa isang episode ng reality show nila na It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Doon binanggit ni Raymond ang mga possible endorsements na gagawin ng anak nina Richard at Sarah na si Baby Zion. Ayaw ng ina ni Sarah ng ganyan, Ha-hahahaha!

Parang nakikini-kinita namin ang ina ni Sarah na sinasabi ang dialogue ng batikang direktor na si Danny Zialcita nu’ng tanggapin niya ang kanyang special award sa Gawad Urian ilang taon na ang nakaraan.

Sey ni Direk Danny, “Eto na ngayon ang kinabukasang kinatatakutan ko kahapon.” Hindi nga ba’t nagko-contemplate noon ang ina ni Sarah sa feeling niya na pagkakaetsapwera niya kay Baby Z matapos niyang alagaan at itago ang apo sa Switzerland?

Pero sinabi naman ni  Sarah na inaayos na nila internally kung anuman ang gusot between her mother at ang pamilya ni Richard. Mukha namang inaayos nila ang problema at ‘di na nagpo-post ng kanyang tampo or galit ang ina ni Sarah sa kanyang social media account.

Pinapalabas naman sa E! Channel ang interview kina Richard at Raymond para sa promo ng bagong season n reality show nila sa naturang cable network.

Abangan daw sa susunod na season ang isang major decision na gagawin ni Richard sa buhay niya. At ano pa ang maiisip natin kundi ang pagpapakasal niya kay Sarah, ‘di ba?

This is good for Baby Z na maging legal na ang pagsasama ng kanyang mga magulang, if ever. Kapag nangyari ‘yan, all authorities pagdating kay Baby Z ay solong-solo na nang panghahawakan nina Richard and Sarah.

Kaya keber lang kahit ano o ilan pang endorsements ang tanggapin nila for Baby Z.

( Photo credit to richard gutierrez official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending