Vice Ganda araw-araw sinasabihan ni Terrence Romeo ng ‘I Love You’ | Bandera

Vice Ganda araw-araw sinasabihan ni Terrence Romeo ng ‘I Love You’

Julie Bonifacio |July 13,2014
facebook
share this

Vice Ganda araw-araw sinasabihan ni Terrence Romeo ng ‘I Love You’

Julie Bonifacio - July 13, 2014 - 03:00 AM


NOW we know kung bakit happy ulit ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Base sa nakita naming mga post sa Facebook account ng sinasabing boyfriend niyang si Terrence Romeo, mukhang maayos na muli ang kanilang relasyon.

Matatandaan na kamakailan lang ay sumambulat ang balitang break na si Vice at ang boyfriend niya. Marami ang tumukoy na ang basketball player na si Terrence BF ng komedyante.

At kasunod nito naman ang pagkadisgusto ng ama ni Terrence sa pagkaka-link niya kay Vice. Last Friday, we chanced upon the account of Terrence sa Facebook.

Doon namumutakti ang pictures at comments ni Jose Marie Viceral. May mga post pa si Terrence na nakakaintriga talaga at parang wala namang nangyaring isyu sa kanila ni Vice.

Sa cover photo ng FB account ni Terrence ay nakalagay ang magkatabi pero magkahiwalay na litrato nila ni Vice. But what’s noticeable sa picture ay ang parehong suot nila na blue t-shirt with striped pocket.

Kung anu-ano rin ang term of endearments ni Terrence kay Vice. May “Kumander,” “my inifinite,” at “girlfriend.” Ni-relate rin niya ang damdamin niya kay Vice sa songs ni Julie Ann Jose na “I’ll Be There” at “Heaven” ni Bryan Adams.

May post pa si Terrence ng dalawang accounts ng Jose Marie. Sey ni Terrence sa FB account niya, “Dalawang Jose Marie ang kausap ko. Yung isa girlfriend ko yung isa best friend ko.”

Panay din ang post ni Terrence ng “I love you” kay Vice. Habang nasasaktan naman daw siya kapag hina-hard sa It’s Showtime si Vice. Parang tinutusok naman daw ang puso niya kapag may ibang lalaki na hinaharot si Vice sa noontime show nila.

Gaya nu’ng naka-post sa FB niya na picture ni Vice habang nakadikit ang nguso sa isang male audience na akmang hahalikan ng TV host.

Mukhang love talaga ni Terrence si Vice kasi makikita rin sa FB na wala siyang palya sa panonood ng noontime show ng TV host-comedian. Meaning,  totoo ang balitang nagkabalikan na sila?

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending