Warning kay Kris: Wag na wag bibigay sa kamandag ni Derek! | Bandera

Warning kay Kris: Wag na wag bibigay sa kamandag ni Derek!

Alex Brosas |July 13,2014
facebook
share this

Warning kay Kris: Wag na wag bibigay sa kamandag ni Derek!

Alex Brosas - July 13, 2014 - 03:00 AM


Parang sinopla na rin ni Derek Ramsay si Kris Aquino when he said, “She’s my friend and it’s hard to answer questions like that. But the way I see it now, no, magkaibigan kami.”

As it is, walang hint na may gusto sa kanya ang hunk Kapatid actor, walang balak na ligawan siya at dalhin sa next level ang kanilang friendship. Sa tono ng pananalita ni Derek, wala siyang kabalak-balak na maging dyowa ang TV host.

Sa kanyang mga post kasi ay parang pini-feed ni Kris na Derek is the guy she’s romancing now. Post kasi siya nang post ng mga gimik nila ni Derek, obviously to make her fans think na merong something romantic between them.

Actually, wala rin namang may gusto kay Derek among the fans of Kris. Ang feeling nila ay gagamitin lang nito ang kanilang idol. “Kris remember, huwag kanang masyadong magtitiwala sa mga bola2 nang lalaki, katulad ni Derek, hindi mapagtiwalaan yan.

Ingat ka na lang o. K!” say ng isang fan. “Yong sinasabi ni Derek na kahit sinong Lalaki madali kang mahalin totoo yan, pero huwag kanang basta2, magtiwala deritso lalo na sa mga Artistang Lalaki kasi lalokalang mapag usapan uli yon ay dapat mo nang iiwasan, para hindi rin mapahiya si Pangulong Noy2, kong ano namang mgawa mo,” sabi naman ng isang concern sa TV host.

“Tama na Kris, huwag ka ng magpabola pa sa mga llake, ituon mo nlang ang sarili mo saiyong dalawang anak….sobra ka sa yaman,enyoyin mo ang buhay mo ng wlang lalake…..magiging sakit lng sila ng ulo mo,” may himig na concern na sabi ng isa pang maka-Kris.

Actually, baka nga hindi na makakita ng tamang lalaki si Kris. With her kadaldalan and kaartehan and all, mahihirapan siyang makahanap ng lalaki who can adjust to her personality.

Alam n’yo naman ang ugali ni Kris, mahilig mamahiya. Kung mali ka sa English, naku, asahan mong makakatikim ka ng lait sa kanya. Wala siyang sinisino, kahit sino ay kayang-kaya niyang ipahiya.

( Photo credit to derek ramsay official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending