Pancho Magno kay Max Collins: Wala kaming relasyon! | Bandera

Pancho Magno kay Max Collins: Wala kaming relasyon!

Ervin Santiago |July 13,2014
facebook
share this

Pancho Magno kay Max Collins: Wala kaming relasyon!

Ervin Santiago - July 13, 2014 - 03:00 AM


Nakachika rin namin sa pocket presscon ng nasabing serye ang Kapuso hunk na si Pancho Magno. Tinanong namin siya agad tungkol sa tunay na relasyon nila ni Max Collins. Natawa muna ang binata bago sumagot.

“Magkaibigan lang po kami. Nababasa ko nga na kami na raw, pero hindi talaga. Kasi pareho naman… ano na kami, sobrang bestfriends kami, e.

Hindi kasi ako, parang ang hirap naman pag may taong minamahal ka, ang hirap namang i-deny siyempre. “So kung kami naman talaga, sasabihin ko naman na kami, hindi ko yun itatago, magiging proud ako,” hirit pa ni Pancho.

Pero sey ng hunk actor, kapag nagkaroon siya ng chance, liligawan niya agad si Max, “Ano naman, right timing e siya lang naman yung gusto kong ligawan, wala namang iba, e.

Pero kasi, sobrang busy niya e, tapos ako din may mga trabaho, so tingnan na lang natin.” Kuwento naman ni Pancho tungkol sa Ang Lihim Ni Annasandra, siya ang magiging ka-love triangle nina Andrea at Mikael sa kuwento, “Ita-try kong mabuwag ang loveteam nila.

Ha-hahaha! Matibay kasi ang loveteam nila, e, kaya nakakatuwa dahil napasama ako sa reunion soap nila.” Bida-kontrabida ang role ni Pancho sa serye, “Pero out of love kaya magiging medyo masama.

I’ll  try to be as sexy as possible here  kasi medyo may scenes na daring, yung pag-transform namin.” “Parang kumbaga sa States, wolf, parang sa atin yung wild boar.

‘Di ba sa atin baboy-ramo? So iyon yung naging parang twist na, parang Filipino  version ng wolf. May pagka-Twilight pero with a Filipino twist,” anang binata na todo na ang paghahanda sa bago niyang proyekto.

In fairness, unti-unti nang nakikilala si Pancho bilang isa sa mga magagaling na kontrabida  ng GMA kaya hindi na kami magtataka kung magka-award din siya one day.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending