Boobs ni Andrea Torres agaw-eksena | Bandera

Boobs ni Andrea Torres agaw-eksena

Ervin Santiago |July 13,2014
facebook
share this

Boobs ni Andrea Torres agaw-eksena

Ervin Santiago - July 13, 2014 - 03:00 AM


AGAW-EKSENA ang malulusog na dibdib ng Kapuso leading lady na si Andrea Torres sa pocket presscon ng bago niyang teleserye sa GMA 7 – ang sexy fantasy series na Ang Lihim Ni Annasandra kung saan makakatambal niya muli si Mikael Daez kasama si  Pancho Magno.

Kaya naman natanong namin kay Andrea kung totoo ba ang chika na nagpalaki siya ng dibdib, “Hindi, natural po sila. Nasa lahi rin kasi namin, talagang ganyan po lahat sa pamilya namin.”

In fairness, talagang kami ang nabibigatan sa dibdib ni Andrea kapag nakikita namin siya. Maswerte ang leading lady ni Mikael dahil biniyayaan siya ng malulusog na hinaharap, hindi tulad ng ibang female star na kailangan pang magpadagdag para magkaumbok kahit paano.

Anyway, ibinalita nga ni Andrea na medyo sexy ang tema ng bago nilang serye ni Mikael sa GMA, ito ngang Ang Lihim Ni Annasandra na medyo may pagka-“Twilight” ang dating.

Tungkol ito sa mga baboy ramo na nagiging tao. At marami raw silang gagawin dito na mga maiinit na eksena. “Masaya po ako na si Mikael uli ang partner ko rito, tapos kasama pa si Pancho na kaibigan ko rin.

Kahit may pagka-daring ang mga eksena, comfortable na po ako sa kanila,” sabi ni Andrea na posibleng maghubo’t hubad sa serye dahil nga sa transformation niya to a human mula sa pagiging baboy ramo.

Dagdag pa ni Andrea, “Handa ko pong gawin ang lahat para sa seryeng ito dahil naniniwala ako sa proyekto, ibang challenge naman ito for me.

Kaya hindi na ako mag-iinarte pa.” Malapit nang magsimula ang Ang Lihim Ni Annasandra sa Afternoon Prime ng GMA 7 kaya abangan!

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending