HOROSCOPE, JULY 13, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, JULY 13, 2014

Madam Sophia |July 13,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, JULY 13, 2014

Madam Sophia - July 13, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Tuloy ang pasok ng magulong kapalaran. Iplanong mabuti ang mga dapat gawin. Sa pinansyal, bigla ang dating ng pera kung hindi magtitipid bigla din itong mauubos. Sa pag-ibig ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang Scorpio. Mapalad ang 7, 16, 28, 31, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Yellow at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)   – Sa pag-ibig kapag nagpabigla-bigla ng desisyon may kapalpakang maganap.  Sa pinansyal, wag munang mag lakbay at wag munang maglabas ng malaking halaga ng salapi until July 21. Mapalad ang 3, 12, 27, 32, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padme-Om.” Magenta at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)    – Panatiliin ang ugaling matulungin upang may malaking gantimpalang pang-pinansyal na matatanggap. Sa pag-ibig, may masarap na romansang idudulot ang pakikipag-relesyon sa isang Virgo. Mapalad ang 6, 18, 23, 34, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padma-Aum-Purana.” Gray at red ang buenas.
 Gemini – (May 21-June 21)    – Upang maka-iwas sa karamdaman, simulan ang bawat araw sa regular na page-ehersisyo. Sa pag-ibig kailangang palakasin ang katawan, upang makarami sa minamahal. Sa pinansyal, ituloy ang pagtitipid. Mapalad ang 1, 5, 14, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Geroba-Gayatri-Om.” Gray at red ang buenas.
 Cancer – (June 22- July 22) –  Ganon talaga ang pag-ibig, kailangang masaktan bago tuluyang lumigaya. Sa pinansyal, panahon na upang magipon ng maraming pera at magpayaman. Mapalad ang 7, 19, 20, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Magenta at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) –  Magkatotoo ang iyong mga pangarap basta’t wag ka lang magpabago-bago ng isipan. Mag-concentrate sa dalawang bagay lamang: Pagkakamal ng maraming salapi at maligayang pamilya. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Yellow at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) –  Kapag hindi ka nag-mahal, tuluyang mawawala ang isang nilalang na nakatakda na sa iyo. Sa pinansyal muling magsimula ng bagong kalakal na may kaugnayan sa politika at modernong kumunikasyon. Mapalad ang 5, 7, 18, 27, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Apo-Roque-Apo-Roque.” Silver at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –   Full moon ngayon, pagkakataon mo ng tapusin ang lahat ng bagay na nasimulan. Sa pag-ibig, susulak ang libido dulot ng lumalaking liwanag ng buwan sa langit, bigyan ng sapat na oras ang romansa. Mapalad ang 6, 12, 21, 39, 40 at 48.  Mahiwaga mong mantra: “Om-Tetra-Aum-Malka.” Green at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –   Huwag pumatol sa mga tsimis. May babala na masuot ka na naman sa malaking problema dahil sa intriga.  Sa pinansyal wag ikalungkot ang kawalan ng salapi, dahil sa susunod na buwan ng Agosto, kusa ng gaganda ang pasok ng pera. Mapalad ang 7, 16, 23, 32, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Blue at silver ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) –    Hindi makapapanaig ang problema kung magdadasal ng regular. Hilingin kay Lord ang pagkakaroon ng maraming pera hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig dasal din ang magpapatibay at magpapaligaya sa inyong relasyon. Mapalad ang 3, 7, 24, 27, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra.” Orange at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –  Gawing inspirasyon ang pamilya upang lalo ka pang yumaman at umunlad. Sa pag-ibig, ang pagiging tapat sa kasuyo, ang maghahatid sa walang kahulilip na ligaya. Mapalad ang 7, 8, 25, 37, 40 at 49.  Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om-Yasoda.” Gold at maroon ang buenas.
 Aquarius – (January 20 – February 18) –  Hindi dapat tanggihan ang mga bagay na inaalok ng kapalaran. Sa pag-ibig, kung sino ang unang dumating sunggaban agad. Sa pinansyal, wag ng isnabin ang mga opportunity na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Mapalad ng 4, 19, 26, 31, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Kedemel.” Red at Purple ang buenas.
 Pisces – (February 19 – March 20) –   Ang mga tiisin sa ngayon ay magbubunga ng ligaya sa araw ng bukas.  Sa pinansyal, habang naglalakad makakatisod  ka ng malaking halaga. Mapalad ang 2, 4, 28, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Homine-Om-Homine.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending