Quantcast

I-text kay Madam Sophia

By

Mula kay  Terr Porowa ng Cotabato. September 21, 1980 ang birthday ko. Ano ang masuwerte kong kulay at numero?
Tugon ni Madam Sophia:  Ayon sa birthday mong September 21, 1980, ikaw ay mapalad sa mga numerong may sumatotal na 3, 6 at 9, tulad ng 12, 21, 30, 15, 24, 33, 18, 27, 26, 45 at iba pang kauri nito, higit lalo kung lagi kang magsusuot ng kulay na red, blue at violet.  Bukod sa nasabing mga numero, mapalad ka rin sa numerong 3, 18, 27, 33, 42 at 45, gayon din sa numerong 5, 12, 15, 21, 30, at 39. Mas magiging paborable naman sa iyo ang kapalaran tuwing sasapit ang buwan ng Abril hanggang Mayo, Hulyo, Setyembre, Oktubre at Nobiyembre.

Mula kay Grace ng …5210, Leyte. April 2, 1993 ang birthday ko at December 16, 1991 naman ang boyfriend ko. Compatible po ba kami?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 2, 1993 at December 16, 1991 naman ang boyfriend mo, compatible kayo, dahil ang zodiac sign mong Aries ay sadya at talaga namang tugma sa zodiac sign ng boyfriend mo na Sagittarius.

Mula kay Lito Tiengo ng GMA, Cavite. March 22, 1963 ang birthday ko. May pag-asa pa ba akong umasenso?
Tugon ni Madam Sophia: Lahat ng tao ay may pag-asang umasenso. Sa kalagayan mo na isinilang sa saktong petsang March 22, 1963, sinasabing aasenso ka basta’t wag ka lang tatamad-tamad. Alam mo ba kung bakit ka tatamad-tamad? Dahil ayon sa iyong birthday na nabanggit na, kaya ka tatamad-tamad, takot kang umalis sa iyong “comfort zone.”
 Ano ang ibig sabihin nito? Aasenso ka lang kung susubukan mo ang mga bagay na natatakot kang subukan o natatakot kang gawin. Ibig sabihin, gawin mo ang lahat ng bagay na naaasiwa o tinatamad kang gawin, at makikita mo mas mabilis kang aasenso. Halimbawa, inaaya ka ng isang kaibigan na mag-trabaho sa abroad, pero dahil takot ka ngang umalis sa iyong “comfort zone” magdadahilan ka ngayon ng kung ano-ano. Balido man o hindi ang iyong dahilan, isa lang ang totoong dahilan “kaya ayaw mong sumama sa iyong kaibigan” dahil tulad ng nasabi na “takot ka kasing umalis sa iyong comfort zone”.  Subalit dahil sinasabi ko na sa iyo ngayon iyan, basta’t yong mga bagay na naaasiwa kang gawin ay ginawa mo tiyak ang magaganap (“tapang” ang susi upang ikaw ay magtagumpay at umasenso), magsisimula ka ng umasenso, mararamdaman mo na ang uunlad at yayaman ka na nakatakdang maganap sa taong kasalukuyan 2014  hanggang sa taong 2015 sa edad mong 41 pataas.
 Tandaan mong “magaling ang tao na nakakatalo sa kanyang kaaway subalit higit na mas magaling ang isang taong nakakatalo sa kanyang sarili.”

Mula kay Edwin Lumuwas ng Dipolog City. January 2, 1975 ang birthday ko. Anong negosyo ang bagay sa akin at may chance po ba akong yumaman?
Tugon ni Madam Sophia: Mapalad ka sa lahat ng negosyong may kaugnayan sa tubig at lupa, ganon din sa lahat ng kalakal na nakukuha sa tubig at lupa. Ang mga kalakal na “nanggagaling sa punong kahoy at sa mga halaman” ay maaari mo ring isa alang-alang. Nakatakda ka namang yumaman, kung lalayo ka sa sinilangan mong bayan at sa malayong pook o lugar doon ka magnenegosyo at manirahan, kung susunid mo ang nasabing payo,  ang nabanggit na pagyaman ay magsisimulang maganap sa taong 2018 sa edad mong 43 pataas.

Mula kay Eric ng …5012, Ormoc City. September 12, 1971 ang birthday ko. May girlfriend ako sa ngayon na isinilang noong April 24, 1971. Magkakabalikan pa ba kami at siya na ba ang makakatuluyan ko?    
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong September 12, 1971 at Apri 24, 1971 naman ang girlfriend mo, sigurado na ang magaganap – magkakabalikan kayo sa buwan ding ito ng Hulyo at sa bandang huli, tulad ng iyong inaasahan, kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama ng pang habang buhay.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement