Rochelle nanginig sa halikan | Bandera

Rochelle nanginig sa halikan

|February 01,2012
facebook
share this

Rochelle nanginig sa halikan

- February 01, 2012 - 03:01 PM


“GRABE! Nanginig ako! Nag-palpitate talaga ako!”

Ang chika ni Rochelle Pangilinan nang kunan namin siya ng reaction tungkol sa pinag-uusapang laplapan nila ni Gabby Eigenmann sa bagong afternoon series ng GMA na Broken Vow na magsisimula na sa Feb. 6.

Sa teaser kasi ng nasabing programa, ipinakita ang eksenang nilalandi ni Rochelle si Gabby – pagkatapos niya itong sayawan ay bigla niya itong sinunggaban ng bonggang-bongga sabay laplap!

As in halos lahat ng entertainment press ay na-shock sa nasabing eksena.

First time kasing ginawa ‘yun ni Rochelle at aminado ang dating member ng Sexbomb na kahit siya ay napatili nang mapanood niya ito.

“Walang echos, kahit ako nagulat. Sabi ko nga, ‘Nagawa ko ‘yun?’ Sunggab kung sunggab!

Ha-hahaha! Pero hindi ako nag-practice para du’n ha! Maybe, nakatulong din sa akin ‘yung mga ginagawa ko bilang dancer, nagamit ko  sa eksenang ‘yun.

Nagpaalam ba siya sa dyowa niyang si Arthur Solinap (Survivor Philippines castaway) sa ginawa niyang paglalandi kay Gabby?

“Nagsabi lang ako, pero hindi nagpaalam. Sinabi ko lang sa kanya na may mga eksena kami ni Gabby na medyo hot!

Ha-hahaha! Sabi niya, ‘Wow! Sige, galingan mo! Huwag kang kakabahan!’ Ganu’n siya, very supportive naman kasi si Arthur when it comes to my work. Hindi siya ‘yung nangdidikta.”

“Nakatulong din siguro yung magkaibigan kami ni Gabby, iniisip ko nga kung ibang artista ‘yung kaeksena ko, baka mas lalo akong nahirapan. Malamang hindi ko ‘yun nagawa ng maayos.

“Sa mga hindi nakakaalam, diyan talaga ako mahina, sa mga sexy scenes.

Sobrang nanginginig ako, pero kailangang hindi rumehistro ‘yun sa camera, so hindi ko alam kung paano ko ‘yun nagawa.

Actually, medyo nawala ako du’n sa part na iiyak na, kasi masyado kong inisip ‘yung sexy scene! Parang nag-blackout!

“Tinatanong ko rin sa sarili ko kung bakit ganu’n ang feeling ko, pero siguro ‘yun yung wall na nilagay ko dati, sabi ko hanggang dito lang ako, may limitations kumbaga.

Pero dumating nga ‘yung mga projects na kailangan kong gawin. Yes, may fear factor, pero nandito na, e. So, go na lang nang go!”

Tinanong din namin si Rochelle kung saan siya mas nag-eenjoy, sa pagiging bida or kontrabida? “Mas gusto ko ‘yung bida-kontrabida, mas enjoy ako, kasi kapag kontrabida maraming raket!”

Anyway, bukod sa super challenging ang role ni Rochelle sa Broken Vow, wala rin siyang reklamo sa mga kasamahan niya sa serye, sobrang professional daw nilang lahat at mas naging close pa sila sa isa’t isa.

Bukod kay Gabby, nandiyan din sina Bianca King, Luis Alandy, Marco Alcaraz, Jace Flores, armi Martin, Melissa Mendez, Kryshee Grancia, Pancho Magno at Celia Rodriguez. Ito’y sa direksiyon ni Gil Tejada, Jr.

Medyo mature ang tema ng Broken Vow, pero siniguro naman ni direk Gil at ng buong production na magiging maingat sila sa pagpapakita ng mga eksenang medyo sensitive dahil nga mapapanood sila tuwing hapon kung saan maraming bata ang makakapanood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na sa Feb. 6 ang Broken Vow after  Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending