Alessandra galit na galit kay Heart nang mabuking ang relasyon kay Sid | Bandera

Alessandra galit na galit kay Heart nang mabuking ang relasyon kay Sid

Alex Brosas |July 11,2014
facebook
share this

Alessandra galit na galit kay Heart nang mabuking ang relasyon kay Sid

Alex Brosas - July 11, 2014 - 03:00 AM

ALESSANDRA DE ROSSI AT SID LUCERO

Ibinuking lang ni Heart Evangelista na sila na ni Sid Lucero ay nagdamdam na agad-agad itong si Alessandra de Rossi sa dyowa ni Sen. Chiz Escudero.

Itong si Alex, mahilig kasing mag-deny sa kanyang mga nakakarelasyon. Ang dami niyang drama, kahit na sila na ng guy, kung anu-ano pang kaartehan ang kanyang ginagawa. Hindi siya kaagad umaamin na meron siyang karelasyon. Noong presscon nga ng Basta Everyday Happy, pabalang kung sumagot itong si Alex sa tanong sa kanya about Sid Lucero. Actually, may pagkabastos sumagot itong si Alex sa mga nagtatanong sa kanya, parang walang pinag-aralan kung umasta. Tapos, nabuking na sila naman pala.

Naku, Alex, ‘wag kang feeling teen star. Kung hindi ka proud sa iyong karelasyon, then ‘wag kang makipagrelasyon. Deny ka nang deny, eh, totoo naman palang dyowa mo si Sid. You are making a mockery of yourself. Magpakatotoo ka!
Magkape ka nga nang mahimasmasan ka!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending