Angelica mukhang katulong ni Cristine dahil sa katabaan | Bandera

Angelica mukhang katulong ni Cristine dahil sa katabaan

Julie Bonifacio |July 04,2014
facebook
share this

Angelica mukhang katulong ni Cristine dahil sa katabaan

Julie Bonifacio - July 04, 2014 - 03:00 AM

ANGELICA PANGANIBAN AT CRISTINE REYES

MAGBABALIK teleserye na si Angelica Panganiban sa ABS-CBN. Nabalitaan naming from a source binubuo na ang complete cast ng bagong soap opera na pagbibidahan muli ni Angelica pagkatapos ng ilang taon na pagkawala niya sa primetime block ng Kapamilya network.

This time, isa na namang adaptation from a foreign drama-series na bibigyan ng Pinoy version ang next project ni Angelica, ang Passion de Amor.

Huli siyang napanood sa seryeng Apoy Sa Dagat kasama sina Piolo Pascual at Diether Ocampo. At ang huling foreign drama series na ginawa ni Angelica ay ang bida-kontrabida role sa Mexican teleserye na Ruby.

Although now, hindi na solo ni Angelica ang pagbibida sa Passion de Amor kundi marami sila. Bukod sa kanya, bida rin daw dito sina Cristine Reyes at JC de Vera. At hinahanap pa ng team sa unit ni direk Ruel Bayani ang mga artista na gaganap sa iba pang roles for this project.

May mga nabanggit na pangalan sa amin ang source na nag-audition for the said project. Pero hindi na namin ime-mention ‘yung iba except for Ejay Falcon na sa tingin namin ay pasok na pasok na para sa isang sexy role.

Kung napapanood ninyo ang Passion de Amor, may ideya kayo na napaka-sexy ng theme at characters na nakapaloob dito. Kaya bagay na bagay talaga diyan sina Cristine at JC. Pero si Angelica mukhang maluluray siya sa kaseksihan ni Cristine kapag hindi siya agad nagpapayat.

Kunsabagay, malayo pa naman bago simulan ang show. Sabi ng source namin, ang target daw na timeslot nito ay ang kinalalagyan ngayon ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ni Bea Alonzo. Pero syempre, depende pa rin ‘yan dahil sa ganda nang ipinapakita sa ratings ng show ni Bea, e, malamang may mabago. Anyway, Angelica has all the time in the world para magpaseksi ulit. Or else, baka magmukhang katulong siya ni Cristine sa bagong teleserye nila, huh!

Samantala, natawa naman kami sa ilang suggestions na nabasa namin sa YouTube kung sinu-sino ang bagay na gumanap sa Passion de Amor.

Unang-una sa listahan ng male lead star na gaganap ay ang ex-BF ni Angelica na si Derek Ramsay. In fairness, bagay naman talaga si Derek at maganda nga sanang laruin sa promo ang balik-tambalan ng dating magkasintahan. ‘Yun ay kung okey na si Derek sa ABS-CBN.

Ang iba pang nasa “suggested cast” ay sina Richard Gutierrez, Kristine Hermosa, Anne Curtis, Jennylyn Mercado, Cherrie Gil ang pinakakontrabida, Pilar Pilapil, Alessandra de Rossi at marami pang iba. Sa mga nabanggit na pangalan, si JC ang pumasok sa official list ng cast.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending