I-text kay Madam Sophia

By Madam Sophia June 30,2014
share this

I-text kay Madam Sophia

By Madam Sophia June 30,2014
share this

Mula kay Anes ng Tacloban City. May 14, 1992 ang birthday ko at October 28, 1990 ang asawa ko. Magtatagal po ba ang pagsasama namin?
Tugon ni Madam Sophia:   Pansamantalang magkakahiwalay kayo, ngunit sa kanyang pagbabalik, mayamang-mayaman na kayo. Kaya ang pinaka-the best na magagawa mo ‘wag mo siyang aawayin at kung sakali ngang maganap na magkahiwalay kayo kailangang BFF or best friend pa rin kayo forever, sapagkat ang iyong asawa ay nakatakdang yumaman, o isa sa inyo ay yayaman.
 Tipikal kasing nangyayari sa mag-asawang may birth date na tulad ninyo ang nagkakahiwalay, ngunit paglipas ng mahabang panahon sa sandaling sila ay nagkabalikan, tulad ng nasabi na, mayamang mayaman na ang isa sa kanila.  

Mula kay Krys ng Davao. June 13, 1983 ang birthday ko. Sinu-sino po ba ang ka-compatible ko?
Tugon ni Madam Sophia: Ka-compatible ng birthday mo ang mga isinilang sa zodiac sign na Aquarius, Libra, Aries, Virgo, Pisces at kapwa mo Gemini, higit lalo silang may birth date na 9, 18, 27, 6, 15, 24, 3, 12, 21, 30, 5, 14, 23, 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, gayon din silang may cute at maliliit na mukha na mga lalaki.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending