Quantcast

I-text kay Madam Sophia

By

Mula kay Imee ng Zambonga City. March 24 po ang birthday ko. Madam, talaga bang ganito ang buhay, minamalas sa lahat ng bagay?    
Tugon ni Madam Sophia: Mali ka dyan.  Hindi mamalasin ang isang may buhay kung alam nya ang dapat gawin kung paano susuwertehin.
 Ganito ang gawin mo para suwertehin ka.  Ayon sa birthday mo, lagi kang magsuot ng kulay na red, pink, violet, lilac, purple, magenta, maroon, blue at iba pang kauring kulay. Ang lahat ng kulay na binanggit ay hango sa primary color na red at blue, isuot mong lagi ang nasabing mga kulay, makikita mo, at magugulat ka pa, hindi ka na mamalasin sa iyong buhay, higit lalo kung araw-araw kang maliligo at magpapaganda.   Kapag kasi araw-araw na maliligo at nagpapaganda ang babae at sinunod mo ang pagsusuot ng mga nabanggit ng kulay sa itaas, kusa na sayong darating ang suwerte at magagandang kapalaran ngayong taon.

Mula kay Drer ng Basilan. May 31, 1970 ang birthday ko at July 15, 1972 naman ang mister ko. Magkaka-anak pa ba kami at kailan?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday ninyo, sa taon 2015 hanggang 2016 magkaka-anak na kayo ng isang cute at matalinong lalaking sanggol.

Mula kay Elmer ng …1043. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko na: “Isang malaki at malabay na punong kahoy na puno ng bunga, sabi sa akin ng babae, masarap daw ang mga bunga, pumitas daw ako at lutuin naming.” Tapos nagising na po.
Tugon ni Madam Sophia: “Sa iyong panaginip Elmer, sandali kang pinasyal ng iyong unconscious self o hindi natutulog na sarili sa paraiso ng Eden at duon hindi sinasadyang na-meet o nagkatagpo mo si Eba. Si Eba, ang kauna-unahang babaing nilinlang ng ayos kaya masasabing siya ang pinagsimulan ng lahat kasalanan ng bawat tao na pinagdudusahan natin sa kasalukuyan sa mundon ito. Ganon paman, ang pagkakasalang ito ni Eba ayon sa lihim na turo ng mga mystic ay may kaunayan sa sexual o pakikipagtalik.” Kaya nga ang iyong panaginip ay nagbabalang “may isang sandali sa iyong buhay sa panahong ito na tutuksuhin ka ng babae, at kung hindi ka iiwas, posibleng makagawa ka ng kaimmoralan o pagkakasala.”
Matapos mong gawin ito ang pakikipagtalik ng palihim sa isang babaing hindi mo naman asawa, dalawa lang ang maaring mangyari: Una, hindi ka mahuhuli ni misis, kaya maaaring magtuloy-tuloy ang lihim ninyong relasyon. At pangalawa, maaaring bigla kang mahuli ni misis sa nasabing naka-ambang pambabae, na sabandang huli, tulad din ng iyong panahinip, “larawan ng paraiso ng Eden, kung saan, pinalayas ng Diyos si Eba at Adan, dahil sa nagawang kasalanan”, ganon din naman, sa sandaling nahuli kang nambabae ng misis mo, sigurado ang magaganap – malamang mapalayas karin ng misis mo sa inyong bahay.  Kaya nga kung sakaling may dumating na tukso ng pambabae, ang iyong panaginip ay nagbabalang hindi mo ito dapat gawin. Iwasan mo ang kaimmoralan, sapagkat sa ganoong paraan lamang mapapanatili mo ang isang marangal at masayang pamilya.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement