Kris nainsulto sa pag-amin ni Bistek na mas mahal niya ang kanyang mga anak | Bandera

Kris nainsulto sa pag-amin ni Bistek na mas mahal niya ang kanyang mga anak

Cristy Fermin |June 11,2014
facebook
share this

Kris nainsulto sa pag-amin ni Bistek na mas mahal niya ang kanyang mga anak

Cristy Fermin - June 11, 2014 - 03:00 AM


Sorry na lang kay Kris Aquino, nakatagpo siya ng isang lalaking hindi pala kayang ipagpalit ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga anak, para sa isang personal na kaligayahan.

Nagbigay na ng pahayag si Mayor Herbert Bautista na hindi madudugtungan pa ang kung anumang sinimulan nila ni Kris, dahil “I love my children.”

Pagkatapos nu’n ay sumagot agad si Kris, nasaktan siya sa sinabi ng mayor ng Kyusi, kaya ang kanyang ganti ay ang kumakagat na linyang “Silence is better than bullsh**t.”

Nainsulto si Kris, napakasakit nga naman nu’n, parang umurong na rin ang lalaki sa kanilang relasyon dahil sa timbang ng pagmamahal nito sa kanyang pamilya.

Ang nakakatawa lang ay alam din naman pala ni Kris ang kahalagahan ng pananahimik, kilala rin naman pala niya ang terminong silensiyo, kaya bakit kasi lahat na lang ng nagaganap sa buhay niya ay nakadeklara sa buong mundo?

Hindi mapigilan ni Kris ang kanyang sarili, walang disiplina ang kanyang dila, wala siyang iniiwasan para sa kanyang sarili at lahat ay ipinakakain niya sa publiko.

Kung ganu’n lang ang gagawin ni Kris ay siguradong may magtatagal siyang relasyon. Kapag ginawa niyang pribado ang kanyang buhay ay hindi sila pagpipistahan ng kanyang karelasyon, walang makikialam sa kanilang buhay, ‘yun ang dapat matutuhan ni Kris.

Pero ‘yun ang talagang hindi kayang gawin ni Kris. Lahat ay gusto niyang isapubliko, lahat ay gusto niyang malaman ng buong mundo, kaya kapag nakakatagpo siya ng lalaking umuurong ay huwag siyang nagagalit.

Nakaiinsulto, pero isang malaking leksiyon ito para kay Kris Aquino, pramis!

( Photo credit to kris aquino official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending