Billy nakabili ng mansion sa halagang P15-M, naghahanda na sa pag-aasawa | Bandera

Billy nakabili ng mansion sa halagang P15-M, naghahanda na sa pag-aasawa

Julie Bonifacio |May 29,2014
facebook
share this

Billy nakabili ng mansion sa halagang P15-M, naghahanda na sa pag-aasawa

Julie Bonifacio - May 29, 2014 - 03:00 AM


OBVIOUS na very inspired sa buhay niya ngayon ang singer at TV host na si Billy Crawford. Totally different from his “confused” days kung saan kinailangan pa niyang umalis ng bansa and be with his parents sa US.

No doubt, inspired si Billy dahil kay Coleen Garcia na kasamahan niya sa It’s Showtime and secondly, his new home sa Quezon City. Una naming nasilip ang bahay ni Billy sa Facebook account ni Nadia Montenegro. Pinost ni Nadia ang picture niya with Billy habang nasa terrace ng bahay ng singer-TV host na overlooking ang magandang view sa Kyusi.

Ayon mismo sa ahente ng bagong bahay ni Billy na siya ring nagsabi noon sa TV host na si Willie Revillame during his Wowowee days na may pinagbibiling lote sa tapat ng audience entrance ng ABS-CBN na ngayon ay tinatayuan ng Wil Tower Mall  ni Sen. Manny Villar.

According to our source, naghahanap daw talaga ng bahay si Billy. Tila gusto na kasi niyang mas malaking space to live in.  Nakatira dati sa condo si Billy.

Maybe because he wants his parents to stay na with him dito sa Pilipinas at paghahanda na rin just in case gusto nang mag-asawa ni Billy, after all 32 na siya.

Pero ayon sa aming source, nagustuhan ni Billy ang bagong bahay dahil ilang minute lang ang ibabyahe niya going to ABS-CBN.
Worth P15 million ang bahay ni Billy malapit sa Congress kung saan doon din nakatira ang ilang kilalang celebrities gaya ni Jennylyn Mercado.

May tatlong palapag at apat na kwarto ang bahay. Isang room sa ibaba at tatlo sa gitna. Sa roofdeck naman ang music room ni Billy. Malamang sa hindi, e, nakita na ni Coleen ang bagong bahay ni Billy. And who knows baka dito na rin sila mag-settle down .

( Photo credit to billy crawford official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending