Quantcast

I-text kay Madam Sophia

By

Mula kay Liberty ng Libungan North Cotabato. July 3, 1981 ang birthday ko. Kailan kaya ako makapag-aasawa?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mo, sa taon 2014 ay makapag-aasawa ka na, hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Scorpio.

Mula kay  Ana Marie ng Malaybay, Bukidnon. April 15, 1986 ang birthday ko. Bakit kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako makahanap ng true love. Kailan ko kaya matatagpuan ang aking true love?
Tugon ni Madam Sophia: Hindi hinahanap ang true love, sa halip kusang dumarating ang tunay at wagas na pag-ibig sa panahong hindi natin inaasahan. Kapag hinahanap mo ang true love, para ring naghuhuli ng ibon, hindi siya magpapahuli sayo at magiging mailap ang masayang pag-ibig.  Kaya nga simula sa araw na ito wag mong hanapin ang iyong true love hayaan mo lang siyang dumating ng kusa, sa ganong paraan, kusa syang mahuhulog sa lupa mula sa langit, at sa sandaling kayo ay biglang nagtagpo sa hindi mo inaasahang sitwasyon at pagkakataon, masasabi mong bigla sa iyong sarili: “Ikaw na nga ang true love ko na matagal ko ng hinihintay!”
 Paano mo naman maakit ang true love kahit wala kang ginagawa sa halip ay hinahayaan mo lang siyang dumating? Simple lang ang paraan: Una, ang birthday mo ay nagsasabing magpahaba ka ng buhok, dahil mas madali mong maakita ng true love sa sandaling mahaba ang iyong buhok.
 Pangalawa, lagi kang magsuot ng kulay na red o pula sa tuwing sasapit ang petsang 6, 15, 24, 3, 12, 21, 30, 9, 18 at 27, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement