Anne hubo’t hubad sa Dyesebel, mga lalaki at tibo tulo ang laway | Bandera

Anne hubo’t hubad sa Dyesebel, mga lalaki at tibo tulo ang laway

Ervin Santiago |May 07,2014
facebook
share this

Anne hubo’t hubad sa Dyesebel, mga lalaki at tibo tulo ang laway

Ervin Santiago - May 07, 2014 - 03:00 AM

SANDAMAKMAK ang natanggap naming text at nagtatanong kung totoo raw bang hubo’t hubad si Anne Curtis sa mga naging eksena niya sa Dyesebel noong Lunes.

Ito ‘yung episode kung saan naging tao na si Anne bilang sirena gamit ang kanyang magic kabibe. E, kasi nga, talagang naglaway ang mga kalalakihan at katomboyan nang magkaroon na ng paa si Dyesebel.

Ang eksena kasi, hindi pa siya marunong maglakad kaya natutumba-tumba habang iniikot niya ang isang bahagi ng isla kung saan siya napadpad. Dito nga ipinakita ang hubo’t hubad niyang katawan.

No, hindi naman ipinakita ang kanyang private parts, dahil kapag nasa screen ang buo niyang katawan, tinatakpan ‘yun ng mga  kawayan.

Feeling namin, may body stocking naman si Anne nang gawin ang nasabing mga eksena, dahil malayuan din ang mga shots. At hindi rin naman siguro papayag ang kanyang direktor na ibilad niya ang kanyang hubad na katawan sa taping.

Pero in fairness, si Anne na siguro ang pinakaseksing Dyesebel na napanood ko, at nagkakaisa rin ang mga manonood sa pagsasabing, tanging si Anne lang ang makakagawa ng mga ganu’ng eksena na kahit maghubad pa siya ay hindi bastos tingnan.

Nag-trending na naman worldwide sa social media ang nasabing episode ng Dyesebel, kasama na ang eksena kung saan nagsuot ng two-piece bikini si Anne at rumampa nang bonggang-bongga.

Sigurado kaming lahat ng lalaki at tibo na nanonood ng Dyesebel noong Lunes ay napanganga na lang at tulo-laway. Ha-hahaha!

Samantala, sa kanyang Instagram account, nagpasalamat si Anne sa lahat ng mga sumusuporta sa Dyesebel dahil consistent nga ang paghataw nito sa ratings game.

“Pack up! Survived the ping pong taping day between Unit 1 and Unit 2! To tell you honestly guys, every night when I get to read all your comments when you guys are watching Dyesebel.

“It keeps me inspired and it makes all the hard work and effort everyone is putting in towards the show, worth it….Yun lang. Just sharing. Ok. I think I should try and sleep na.

Medyo papunta na sa emote ung post ko. GOOD MORNIGHT EVERYONE!” ani Anne. Ngayong tao na si Dyesebel at muli na silang nagkita ni Fredo (Gerald Anderson), ano na nga kaya ang mangyayari sa kanya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan din ang pagkikita nila ni Betty (Andi Eigenmann) na siya namang magpapahirap sa kanya sa mundo ng mga tao. Kasama pa rin sa nasabing Primetime Bida series right after TV Patrol sina Sam Milby, Dawn Zulueta, Ai Ai delas Alas, Eula Valdez at marami pang iba, sa direksiyon nina Francis Pasion at Don Cuaresma.

( Photo credit to anne curtis official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending