HOROSCOPE, April 25, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, April 25, 2014

Madam Sophia |April 25,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, April 25, 2014

Madam Sophia - April 25, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Simpleng selebrasyon lang ang dapat para makatipid. Alalahaning nauubos din ang pera. Sa pag-ibig, tuloy ang nakakakilig na romansa habang painit nang painit ang panahon. Mapalad ang 1, 4, 8, 22, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Riga-Pad-Me-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Huwag makinig sa mga walang kuwentang tao! Mas maganda kung laging makipagkuwentuhan sa mga mapera para sa bandang huli ay magiging mapera ka rin. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pakinggan—ang kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 6, 9, 12, 16, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sol-Dasa-Om.” Green at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Ngumiti palagi! Kapag ang isang Taurus ay laging masaya, masasayang kapalaran din ang makakamit. Sa pinansyal, pangiti-ngiti lang ang dapat upang dumami pang lalo ang salapi. Sa pag-ibig, ngiti ang magsisilbing gamot sa pusong nalulungkot. Mapalad ang 1, 8, 10, 29, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yantara-Pad-Me-Om.”  Blue at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Tama ang ginagawa mong paga-advice sa mga kaibigan! Ang problema, kapag kailangan mo na ng karamay, isa-isa na silang nawawala. Ganoon talaga ang buhay! Sa pag-ibig, isa lang ang makakaunawa sa iyo—ang kaibigang Libra. Mapalad ang 5, 17, 26, 35, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhagava-Gita-Om.” Black at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  Hindi puwede ang masyadong mabait! Kapag nagbabait-baitan, lalo ka lang aapihin ng mga walang hiya. Sa pag-ibig, pag-aralan n’yo ng kasuyo mo ang inuugali ng mga mayayaman at iyon ang inyong tularan. Mapalad ang 2, 16, 24, 37, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Rama-Rama.” Green at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—   “Salamat  Lord at natapos na rin ang mga suliranin, tunay ngang mga pagpapala at dagdag na biyaya naman ang kasunod.”  Yan ang lagi mong usalin bago matulog at pagising sa umaga upang tuloy-tuloy kang sumagana at lumigaya. Mapalad ang 1, 7, 16, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guro-Deva-Om.” Yellow at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—  Huwag magyabang! Kahit magaling ka ay ilihim mo ito upang hindi ka kainggitan. Sa pinansyal, huwag ilalabas nang ilabas ang pera, hayaan mong dumami nang dumami at kapag maraming-marami na saka mo sila biglain.  “Aum-Garuda-Arjuna-Om.” Pink at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—  Maghanda ng malamig na pagkain. Gumawa ng halo-halong kumpleto ang sangkap, may pinipig at leche flan sa ibabaw. Ipatikim sa pamilya at sa iyong minamahal. Sa ganyang paraan, susuwertehin ka nang bonggang-bongga. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Omit.” Lilac at beige ang buneas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  Maiibsan ang init ng katawan kung makiki-join sa mga kasamahang nagbabalak na mag-swimming. Piliin ang sexy na damit para marami ka na namang maakit. Habang nagsu-swimming ay may isang nilalang na sa iyo ay lihim na hahanga.  Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yoan-Govinda-Dosya.” Red at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Tagumpay ang binabalak na negosyo kung isasantabi ang emosyon. Isiping lagi, “Pera-pera lang ang labanan!” Sa pag-ibig, kailangang makaisip ka ng paraan upang maibalik ang kasuyong naligaw ng landas. Mapalad ang 3, 18, 23, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omni-Pad-Me-Om.” Violet at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Saturn ang ruling planet ng Capricorn at sa kasalukuyan ang Saturn ay malapit sa  Moon. Dalawang bagay ang pinahihiwatig nito – isang romatikong pag-ibig at dagdag na pagkakaperahan ang sabay na darating. Mapalad ang 4, 13, 26, 35, 40, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Yellow at black ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  Huwag sayangin ang araw sa pagde-day-dreaming. Imbes na  maging emosyonal, mas dapat i-priority ang pagkakaperahan. Sa mga darating na araw ay piliting magtipid upang mapaghadaan ang pasukan. Mapalad ang 6, 18, 15, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Gorocha-Chandaya-Om.” Blue at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—  Madali kang mauto at maloko. Kailan kaya ang panahong ikaw naman ang mang-uuto? Mag-ingat sa isang kaibigang Leo. Higit kang magiging mapalad sa karelasyong isinilang sa buwan ng Abril o kaya ay Mayo. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om-Tatra.” Red at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending