Pakiusap ni Angel: Huwag husgahan ang mga kabit! | Bandera

Pakiusap ni Angel: Huwag husgahan ang mga kabit!

Ervin Santiago |April 25,2014
facebook
share this

Pakiusap ni Angel: Huwag husgahan ang mga kabit!

Ervin Santiago - April 25, 2014 - 03:00 AM

ANGEL LOCSIN

Mismong si Angel Locsin ay napapabilib sa mga mapupusok na eksena at matatapang na linyang itinatampok nila sa pinakasinusubaybayang “TV affair” ng ABS-CBN na The Legal Wife.

“Kakaiba ang mga linya na sinusulat ng mga writer namin. Kahit kaming mga artista ay kinikilabutan kahit pagkatapos naming gawin ang mga eksena,” ani Angel na kilala na ng mga manonood bilang si Monica Santiago-De Villa, ang misis ni Adrian (Jericho Rosales) na may lihim na relasyon kay Nicole (Maja Salvador).

“Maganda siyang panoorin ng mga mag-asawa at kahit ng mga mag-boyfriend pa lang. Maraming nakaka-relate na viewers sa characters namin. Ako mismo ay maraming natututunan sa show katulad ng paano i-handle ang pagseselos,” paliwanag ng Kapamilya actress.

Bagama’t nauunawaan ang mga manonood na naiinis at nanggigigil kina Adrian at Nicole, nilinaw ni Angel na walang ibang hangarin ang kanilang teleserye kundi ang makapagbahagi ng isang istoryang kapupulutan ng aral.

“Hindi naman tayo nandito para manghusga. Nandito ang The Legal Wife para maghatid ng isang magandang kwento na magbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga pamilyang dumadaan sa pagsubok,” pahayag ni Angel.

Tiyak na trending na naman sa buong mundo ang mga huling eksena sa serye kung saan nga naganap ang pinakahihintay na komprontasyon nina Monica, Adrian at Nicole.

Kaya huwag nang magpahuli sa chikahan ng bayan, tutukan ang mas tumitindi pang The Legal Wife pagkatapos ng Ikaw Lamang sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending