Kim naaksidente, ilong duguan | Bandera

Kim naaksidente, ilong duguan

Ervin Santiago |April 25,2014
facebook
share this

Kim naaksidente, ilong duguan

Ervin Santiago - April 25, 2014 - 03:00 AM

KIM CHIU

NAG-ALALA ang mga kaibigan at supporters ng Teleserye Princess ng ABS-CBN na si Kim Chiu nang kumalat ang balitang na-involve ito sa isang minor accident kamakalawa.

Ayon sa ulat, dakong alas-7 ng umaga naganap ang aksidente habang bumibiyahe ang aktres papunta sa taping ng seryeng Ikaw Lamang sa bandang Commonwealth, Quezon City. Nasugatan sa ilong si Kim matapos ang insidente.

Sa kuwento ni Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight, nakahiga raw ang leading lady ni Coco Martin sa Primetime Bida series na Ikaw Lamang sa may bandang gitna ng kanyang van nang biglang nagpreno ang kanyang driver matapos iwasan ang isang sasakyan.

Dahil dito, tumilapon si Kim sa may bandang harapan ng kanyang van. Sa text daw ni Kim kay Kris, bigla raw natakot ang aktres nang may marinig siyang “crack.”

Isinugod agad sa ospital si Kim at nagpa-X-ray, dito nalaman na hindi naman grabe ang damage sa kanyang ilong pero grabe raw ang dugong dumaloy dito. Nalaman ng mga fans ni Kim ang nangyari matapos itong mag-post ng litrato ng aktres sa

Instagram na may caption na, “Still waiting for result… She’s okay. Dont worry kimi.”

Ayon naman sa isa pang kumalat na balita sa social media, nasugatan daw ang ilong ni Kim nang tumama raw ito sa isang tubo habang nagte-taping ng teleseryeng Ikaw Lamang.

Kaya sa late night show nina Kris at Boy, binasa uli ng TV host-actress ang text sa kanya ni Kim, chika ng mommy ni Bimby,

“Yes, Ate, natutulog ako sa back, ‘tapos nag-break bigla yung driver kasi may tumawid na jeepney, ‘tapos tumama yung nose ko sa bakal, yung support sa table sa likod.

“Wala kasi yung table du’n nu’ng time na ‘yun, but yung bakal support was there,” mensahe pa ni Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending