Kris inggit na inggit kay James kaya pumatol kay Bistek | Bandera

Kris inggit na inggit kay James kaya pumatol kay Bistek

Cristy Fermin |April 25,2014
facebook
share this

Kris inggit na inggit kay James kaya pumatol kay Bistek

Cristy Fermin - April 25, 2014 - 03:00 AM

JAMES YAP, KRIS AQUINO AT HERBERT BAUTISTA

Isang dating malapit kay Kris Aquino ang nagkuwento na kapag ganyang maingay ang aktres-TV host tungkol sa kanyang lovelife ay meron siyang pinasasakitan. Meron siyang hinahamon.

“Ganyan siya talaga kapag naiisahan siya ng kahit sino, nag-iingay siya, she’s a hard loser kasi. This time, gusto niyang iparamdam kay James Yap na hey, may mga lalaking nagkakagulo sa akin, ‘no! Parang ganu’n ang gusto niyang sabihin,” paliwanag ng isang personalidad na dating malapit kay Kris Aquino.

Ganu’n daw ‘yun. Kailangan daw, kapag masaya ang lovelife ng ex niya, siya rin dapat ay may maligayang buhay-pag-ibig din, hindi siya magpapasapaw kahit kanino, kailangang iparamdam niya na masayang-masaya rin siya sa mga nagaganap sa personal niyang buhay.

Ang tanong namin, ibig sabihin ba nito ay napaglaruan lang ni Kris si Mayor Herbert Bautista, nagkataon lang ba na ito ang natiyempuhang naipambala niya sa kanyon para palabasing masaya siya?

Nakakalungkot naman kung ganu’n dahil kaliwa’t kanang upak ang tinanggap ng mayor ng Kyusi mula nang maugnay ang pangalan nito sa aktres-TV host. Pero ganu’n lang pala ‘yun? Kaya pala pagkatapos lang nang dalawang linggo ay tapos na ang kanilang romansa espesyal?

Nakakalungkot naman ang ganu’n kung totoo nga. Nananahimik si lalaki, pinainan ni babae, hanggang sa kumagat naman. Pero hindi naman pala seryoso ‘yun kundi isang laro lang para kay Kris.

Nakakalungkot talaga. Sana’y hindi totoo ang impormasyong nakarating sa amin. Hindi ginagawang laro ang pag-ibig, dahil kapag tayo naman ang nilaro nito, ‘yun na ‘yun!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending