Hiwalayang Kristek drama lang, tuloy ang relasyon | Bandera

Hiwalayang Kristek drama lang, tuloy ang relasyon

Ervin Santiago |April 25,2014
facebook
share this

Hiwalayang Kristek drama lang, tuloy ang relasyon

Ervin Santiago - April 25, 2014 - 03:00 AM

 

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

MAS marami ang naniniwala na very much together pa rin sina Kris Aquino at Herbert Bautista, echos lang daw ng mga ito na sila’y break na dahil puro panlalait at pambabastos lang ang nakuha nila mula sa publiko nang bumandera nga ang kanilang relasyon.

Sa tono raw kasi ng pananalita ni Kris, mukhang na-alarm lang sila ni Bistek dahil parang wala nga silang kakampi sa kanilang love affair, kaya siguro nagdesisyon na sila na bawiin ang mga naunang statement ng TV host-actress. Bukod dito, natakot din marahil si Bistek para sa kanyang mga anak.

Nag-alsa balutan kasi ang mga ito kasama ang kanilang inang si Tates Gana patungong Amerika para magbakasyon at para makaiwas na rin sa iskandalong dulot ng relasyon nina Herbert at Kris.

Nu’ng Miyerkules ng gabi sa late night show ni Tetay at ni Boy Abunda muling nagsalita ang Queen of all Media about Herbert. Aniya, hindi na siya masyadong magiging madaldal, pero nagpasalamat siya sa iniregalong mga prutas ng alkalde. Bukod pa nga ito sa mga ipinadalang energy drink sa kanya matapos siyang maospital.

“We’re friends, and I want to stay friends. If I say anything now, we might not be friends. And he’s actually watching right now so I better shut up!” chika ni Kris sabay halakhak, “Kung anu-ano pinagsasabi ko na naman!”

Sabi pa nga niya kay Bistek, “Sorry, matulog ka na! Huwag mo na ako pansinin… No, I appreciated the fruits!”

Komento naman ng isang nakausap namin na nakakapanood ng Aquino & Abunda Tonight, paano makukumbinse nina Kris at Bistek ang mga tao na wala na sila kung may mga drama pa rin silang ganyan, sana raw kung gusto ng mayor na maibalik ang tiwala at pagmamahal sa kanya ng kanyang mga anak, tigilan na muna niya ang pagreregalo ng kung anu-ano kay Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending