‘Sino kaya ang magdadala ng ‘FOODS’ kina Deniece at Cedric sa kulungan?’ | Bandera

‘Sino kaya ang magdadala ng ‘FOODS’ kina Deniece at Cedric sa kulungan?’

Cristy Fermin |April 24,2014
facebook
share this

‘Sino kaya ang magdadala ng ‘FOODS’ kina Deniece at Cedric sa kulungan?’

Cristy Fermin - April 24, 2014 - 03:00 AM


Kung dati’y isang tinik lang sa lalamunan ang nabunot kay Vhong Navarro, ngayong inisyuhan na ng warrant of arrest ang grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo na walang kaukulang piyansa, siguro’y matinding panalangin ang ibinato ng actor-dancer-TV host sa sobrang pasasalamat dahil nakamit niya ang hustisyang pinapangarap niya.

Wala na nga sigurong mas tatamis pa sa damdamin ngayon ni Vhong dahil sa wakas ay maparurusahan na rin ang grupong nambugbog nang sarado sa kanya nu’ng gabi ng January 22.

Pinaghahanap na ngayon ng mga alagad ng batas sina Cedric at Deniece, kapag natiyempuhan sila ng mga otoridad ay wala silang ibang kababagsakan kundi ang kulungan, dahil wala ngang bail ang kasong serious illegal detention na asuntong isinampal laban sa kanila ni Vhong.

Meron silang kaibigan-kasama sa pambubugbog kay Vhong na bumaligtad na, meron naman isang pinaniniwalaang posibleng nakalabas na ng bansa, isa-isa nang naduduwag ang mga taong dati’y nambabaligtad pa kay Vhong Navarro.

Tingnan na lang natin ang tapang nila ngayon, lalo na si Deniece na nagmamaldita pa kapag nagpapainterbyu, ngayon niya kailangang patatagin ang kanyang loob dahil kulungan na ang pinagpipistahang lugar ngayon na ayon sa ating mga kababayan ay siguradong magtuturo sa babaeng ito kung ano ang tunay na pakahulugan ng salitang pagpapakumbaba.

Sino-sino kaya ang magdadala sa kanya ng food kapag nasa likod na siya ng malamig na rehas?

( Photo credit to newsinfo.inquirer.net )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending