Maja may taimtim na dasal para kay Kim | Bandera

Maja may taimtim na dasal para kay Kim

Ervin Santiago |April 24,2014
facebook
share this

Maja may taimtim na dasal para kay Kim

Ervin Santiago - April 24, 2014 - 03:00 AM


IPINAGDARASAL talaga ni Maja Salvador na bumalik muli sa dati ang pagkakaibigan nila ng dating best friend na si Kim Chiu. Naniniwla ang Kapamilya star na walang imposible kapag taimtim mong ipinagpe-pray.

Ayon kay Maja, ang pakikipag-ayos kay Kim ay isa sa mga desisyon niya sa buhay na hindi niya pinagsisisihan, at totoong nag-effort siya para mawakasan na ang naging alitan nila nang dahil sa pakikipagrelasyon niya sa ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson.

“Sobrang saya. Alam kong hindi lang sila, ako, kami, alam kong kayong lahat. Kasi siguro lahat iyon ang pinagdadasal, and ‘di ba, walang binibigay ‘yung Diyos… ‘Yung dasal mo, ibibigay at ibibigay niya.

Tamang timing lang,” sabi ng kontrabida sa buhay ni Angel Locsin sa seryeng The Legal Wife. Sey ni Maja, mahirap daw ang may kaaway, lalo na kung ang nakasamaan ko ng loob ay malapit sa puso mo, kaya sobrang thankful siya dahil naging bukas din ang damdamin ais ni Kim sa pakikipagbati sa kanya.

Ayon sa dyowa ni Gerald, effort talaga ang ginawa niya sa pakikipagbati kay Kim, “Oo naman, sa lahat ng bagay, ‘di ba? Kailangan mo mag-effort, e.

Parang may mga efforts ka dati, hindi nag-wo-work, pero huwag ka mag-give up. Try mo lang nang i-try until, dumating ‘yung time.”

Dugtong pa niya, “Kailangan (effort), kasi, siyempre, ‘di ba, sa sitwasyon naman namin, may mga pagkakamali kaming lahat. Hindi mo kailangan magtaas pa ng pride. Dapat isa talaga sa inyo (magpakumbaba).”

“Kahit ano pa kasing ikot ng mundo, kung mahalaga sa iyo ang isang tao, darating at darating ang araw na kailangan mong um-effort ulit,” hirit pa nito.

At sa tanong nga kung umaasa pa siyang maibabalik ang dating closeless nila ni Kim, “Sabi niyo nga, ‘di ba, hindi naman agad-agad. Parang, ipag-pray natin kung ano man ‘yung magiging…’yung mga darating sa aming lahat.

At least ngayon, love, love, love na, ‘di ba? Meron nang peace sa hearts namin, sa aming lahat, ‘di ba? So iyon, positivity!”

( Photo credit to newsinfo.inquirer.net )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending